Advertisers

Advertisers

KARLA AT RUFFA NAKASUPORTA KAY ATE VI; KYLINE TOXIC GF NI KOBE

0 3

Advertisers

Ni Beth Gelena

TODO ang suporta ng magkaibigang Ruffa Gutierrez at Karla Estrada sa mag-inang Luis Manzano at Star for All Seasons Vilma Santos sa kanilang kandidatura sa nalalapit na eleksiyon ngayong Mayo.

Si Ate Vi ay muling tatakbo bilang Gobernadora ng Batangas kung saan running mate niya ang anak na si Lucky bilang Vice Governor.



Makikita sa Instagram Reel ni Ate Vi ang pagbati at suporta sa kandidatura sa aktres-pulitiko.

Maraming netizens ang natuwa at na-inspire sa kanilang pagpapakita ng suporta.

Sa isang masayang tagpo sa Batangas, muling pinatunayan nina Ruffa at Karla ang kanilang walang sawang suporta sa kapwa artista.

Ang dalawang aktres na puno ng energy at kasiyahan habang bumabati kina Lucky at Ate Vilma.

Ang kanilang mensahe, “Hello Lucky, congratulations, at syempre kay Ate V,” pagpakita ng kanilang genuine na pagmamalasakit at suporta.



Ang simpleng pagbati nina Ruffa at Karla ay nagbigay ng inspirasyon sa marami, na sa kabila ng abalang buhay, mahalaga pa rin ang pagpapakita ng pagmamahal at suporta sa mga kaibigan.

Pinatunayan nina Ruffa at Karla na tunay ngang may mga pagkakaibigan sa showbiz na tumatagal at lalong tumitibay sa pagdaan ng panahon.

***

NI-repost ng kapatid ni Kyline Alcantara ang mensahe ng gf niya kay Jackie Forster hinggil sa Kapuso aktres.

Wala namang masama kung ipagtanggol ng gf ng brother ni Kyline ang aktres dahil siya ang nakakakita ng katotohanan.

Kaya lang iba ang meaning ng mga netizen na kampi sa side ni Kobe Paras.

Anila: *Syempre kapatid ng bf mo ipagtatanggol mo…”

May mga nagtatanggol din naman kay Kyline.

“wala tayong narinig kay Kyline na masama against Kobe. Sadyang may pics and vids talaga na proweba na nag cheat si Kobe. so ano? tapos, sila mismo sinisiraan si Kyline para ma justify ang cheating ni Kobe?”

May paratang naman ang isang commenter.

“Halatang hindi pinanood ang video ni Jackie. February pa hiwalay eh April na ngayon so paanong nag cheat? ang delulu kasi ng idol mo akala babalikan pa siya ni Kobe kaya feeling niya sila pa din kahit inayawan na siya dahil nananakit at toxic siya!”

“Of course she won’t say anything. Dapat siya ang kaawaan di ba. Till Kobes mom has to say anything. So gusto pa ba nilang ilabas ni Jackie ang mga bala nya?”

“At bakit ang GF ng kuya ang nagsasalita hindi mismong pamilya ni girl? GF lang yan ha pero si Jackie mismong nanay ni Kobe sinasabihan wag mag salita. Napaka double sided talaga ng mga tao. Basta physical abuse is PHYSICAL ABUSE mapa babae o lalake MALI YAN!!!!”

“kasama sila sa bahay girl. Malamang sa malamang kung sino magkakasama sa bahay, sila mas nakaka alam. Ginagamit pa din ni Kobe car ni Kyline kasama ibang girl. Kahit pa ba hiwalay na, respeto pa din.”

“Atleast eto nakasama nya talaga yung dalawang mag EX. May first hand experience sya sa pagsasama at relasyon nung dalawa. Di tulad ng iba May Pa SONA pa na Akala mo talaga nagabayan paglaki yung anak at kilalang kilala nya”

“Natural pagtatanggol nya si Kyline eh nakikitira din yan malamang sa condo ni Kyline, same as pagtatanggol ni Jackie sa anak niya. Tagal na nila nag kaayos at Nanay pa din siya ni Kobe kaya may karaparatan siyang mag SONA lalo na NANANAKIT pala yang babae. Kung si Kyline kaya ang sinasaktan physically ganyan din kaya reaction mo? at hello hindi lang ngayon issue yan ha, may rumored din na ganyan sya sa ex!”

“Dapat demanda ni Kyline yun Jackie kasi sobrang damaging for Kyline yun accusation that she is abusive. How can someone just accuse someone of physical abuse without proof and witnessing it first hand, its a serious accusation.”

“Character assassination na nga yung ginagawa nila para lang linisin yung cheating issue. Maybe they capitalized on Kyline’s old issue para sabihin may pattern Kaso.ang dami resibo that Kobe is indeed a cheater.”

Hay naku hanggat may sumasawsaw sa isyu hindi matitigil ang pagbabangayan ng magkabilang kampo.

***

KRISTEL IBINAHAGI ANG MALA-FAIRY PRENUP

IBINAHAGI ni Kristel Fulgar ang behind-the-scenes ng kanyang mala-fairy tale prenup shoot sa kanyang fiance na si Ha Su-hyuk sa Korea.

Aniya, sa kanyang latest YouTube vlog, “Ito na nga, malapit na malapit na. Today, another photoshoot. Ito ‘yung Korean style na prenup photoshoot talaga dito sa Korea.”

“Super excited ako kasi nakikita ko ‘yung mga ganitong klaseng photoshoot sa social media and super na-amaze ako. Ang ganda ng result.”

Patuloy pa ni Kriatel, “Kung tatanungin niyo ako kung ready na ba ako ikasal, ready na ready na ‘yung puso ko pero parang ‘yung mga kailangan i-ready pa sa mismong ceremony ng kasal hindi ko pa nagagawa.”

Ang malaking concern daw niya ay kung papano maa-accommodate ang mga bisita niyang magmumula pa sa Pinas.

“Isa sa mga worry ko is’yung mga guest na manggagaling sa Pilipinas na pupunta dito sa Korea, ‘yung iba first timer. Kailangan ko siyempre i-accommodate sila. Pero thankfully, karamihan sa mga guests ko na manggagaling sa Pilipinas, nakapunta na dito sa Korea.”