Advertisers
INILUNSAD ng Pinoy Ako Partylist ang “Docs on Wheels” program na layong magbigay ng medical services sa indigenous communities at mga malalaking lugar gamit ang Mobile Medical Clinic.
Sa idinaos na campaign sortie sa Morong, Rizal, sinabi ng Pinoy Ako na ang naturang inisyatiba ay konkretong tugon sa matagal nang problema sa kakulangan sa access sa serbisyong kalusugan ng maraming pamilyang Pilipino, hindi lamang ang mga miyembro ng indigenous communities kundi maging ang mahihirap na pamilya na naninirahan sa bulubunduking mga lugar.
“The primary objective of this program is to deliver sufficient and contemporary healthcare services to indigenous populations who are not receiving any support from the government,” ayon sa Pinoy Ako Partylist.
Napakahalaga ng programa ayon sa Pinoy Partylist mahalaga ang naturang programa lalo at matagal nang kapos ang mga health facilities ng pamahalaan para sa nasabing mga komunidad.
“By addressing this gap, the program seeks to ensure that indigenous individuals have access to the medical care they need and deserve,” ayon pa sa grupo.
Sa ilalim ng programa, gagamit ng specially designed vans na mayroong mga doctor, nurse, at may medical equipment para sa libreng check-ups, minor treatments, at basic laboratory procedures.
Ang “Docs on Wheels” ay bahagi ng misyon ng Pinoy Ako Partylist para mailapit sa publiko ang serbisyobg pangkalusugan.
Ipatutupad ang proyekto sa pakikipagtulungan sa local health units, barangay health workers, at volunteer medical professionals.
Bahagi rin ng programa ang pagkakaloob ng libreng gamot, vitamins, bakuna sa mga bata, maternal care, at information drives para makaiwas sa iba’t ibang sakit.
Pangunahing prayoridad ng Pinoy Ako Partylist ang maabot ang iba’t ibang rehiyon sa bansa at mapakinabangan ng indigenous people at ng mga naninirahan sa remote areas ang serbisyong hatid ng programa.
“When it seems like no one is available to help, Pinoy Ako Partylist is always prepared to assist. We don’t just make promises—we take action and provide genuine solutions! Through our Mobile Medical Clinic, we bring healthcare to areas that are often neglected,” ayon pa sa partylist group. ###