Advertisers

Advertisers

Pacquiao isusulong ang makatarungang pasahod batay sa sariling karanasan bilang manggagawa

0 7

Advertisers

Suportado at isinusulong ni senatorial candidate Manny Pacquiao ang isang pambansang umento na P200 sa arawang sahod para sa mga manggagawa sa pribadong sektor. Ito ang binigyabg diin ni Pacquiao bilang tungkulin upang matulungan ang mga pamilyang Pilipino sa harap ng patuloy na pagtaas ng gastusin.

Sa kanyang kampanya sa Tacloban, inilatag ni Pacquiao ang kanyang legislative agenda na nakatuon sa makatarungan reporma sa pasahod at alternatibong modelo ng pamamahala na layuning maghatid ng “tunay at pangmatagalang pagbabago” para sa karaniwang Pilipino.

Binigyang-diin niya na ang panukalang P200 na dagdag sahod ay unang hakbang lamang sa isang mas malawak na plataporma upang tuldukan ang agwat sa pagitan ng paglago ng ekonomiya at kalidad ng buhay ng mga manggagawa.



“Hindi pwedeng laging sagad ang manggagawa habang lumalaki ang kita ng malalaking kumpanya. Ang tunay na malasakit ay makikita sa sahod, hindi lang sa salita,” ani Pacquiao.

Bukod sa dagdag na pasahod, nangako si Pacquiao na maghahain at susuporta ng mga batas na magtatatag ng mga wage board sa antas ng probinsya upang masalamin ang aktwal na kalagayang pang-ekonomiya sa mga rehiyon.

Panukala niya din na magtakda ng regular na cost-of-living adjustments, at magbibigay ng insentibo sa maliliit na negosyo na sumusunod sa makatarungang pasahod.

“Kailangan natin ng batas at pamamahalang marunong makinig at kumilos. Hindi lang pangako kundi batas na may puso para sa manggagawa. Iyan ang Bagong Pilipinas na ipaglalaban ko,” dagdag niya.

Iminungkahi rin ni Pacquiao ang pagbibigay ng tax breaks at access sa pautang para sa mga micro at small enterprises na nagbibigay ng sahod na mas mataas sa minimum at may maayos na benepisyo para sa mga empleyado.



Balak niyang tawagin ang inisyatibang ito na “Pusong Palaban, Gawang Palaban,” isang repormang pambatas na may direktang epekto sa mga pamilyang Pilipino, lalo na sa mga liblib na mga lugar sa bansa.

Ang paninindigan ni Pacquiao sa karapatan ng mga manggagawa ay base sa kaniyang sariling karanasan.

Sa edad na 14, lumuwas siya ng Maynila, namuhay sa lansangan, nagtrabaho bilang construction worker, at tiniis ang gutom upang makapagpadala ng pera sa kanyang ina.

“Ako po ay naging construction worker noong 15 taong gulang ako, na wala pang tirahan, at kumikita ng P106 kada araw. Alam ko po ang pakiramdam ng tunay na pangangailangan,” ani Pacquiao.

Ang karanasang ito ang nagsisilbing dahilan sa kaniyang paninindigan para sa mga patakarang mag-aangat sa antas ng pamumuhay ng mga manggagawa.

Ang panawagan ni Manny Pacquiao para sa dagdag na P200 sahod ay hindi lamang pangako sa kampanya; ito ay tanda ng kanyang taos-pusong dedikasyon sa pagtatayo ng isang Bagong Pilipinas kung saan walang manggagawang maiiwan.

Batay sa sariling karanasan, tumatayo si Pacquiao para sa mga Pilipinong manggagawa, na naniniwalang ang makataong sahod ang pundasyon ng tunay na pag-unlad.