Advertisers

Advertisers

Rondina-Pons pamumunuan ang kampanya ng PH sa World Volleyball BPT Futures Nuvali

0 3

Advertisers

PINAMUNUAN ng pares nina Sisi Rondina at Bernadeth Pons ang kampanya ng bansa sa Volleyball World Beach Pro Tour (BPT) Futures Nuvali na nagsimula kahapon Huwebes sa Santa Rosa City, Laguna.

Champion sa 2022 BPT Future Subic Bay, puntirya nina Rondina at Pons na mapaganda ang kanilang bronze medal finishes sa Southeast Asian Games sa Thailand ngayon Disyembre.

Apat na ibang women’s pairs at apat na men’s tandems ang pumasok sa tournament tampok ang 19 bansa, kabilang ang US,Germany, Latvia, the Netherlands, Israel, Australia, New Zealand, Canada at Italy.



Lumahok rin ang University of Santo Tomas stars Khylem Progella at Sofia Pagara na may entry rin mula sa Czechia, Greece, Lithuania, Finland, Hungary, Romania, Slovakia, Vanuatu, Israel at Japan.

Sunnie Kalani Villapando, na naglaro para sa Stanford at University of Southern California sa National Collegiate Athletic Association, muling nakasama si Jen Gaviola ng Coast Guard matapos maglaro sa Songkhla Futures sa Thailand.

“We’re going to be competing, training, getting our mind right for the SEA Games. This is mental preparation,” Wika ni Villapando.

University Athletic Association of the Philippines champions Honey Grace Cordero makakasangga si Epa ng National University, habang ang iba pang lokal pair ay binubou nina Alexa Polidario at Dij Rodriguez.

Samantala, Pangungunahan nina Volleyball World Beach Pro Tour Futures silver medalists Jude Garcia at Jaron Requinton ang local entries sa men’s division.



Garcia at Requinton ay miyembro ng four-man team na nagwagi ng bronze sa 2023 SEA Games sa Cambodia.