Advertisers

Advertisers

Sa pagbabalik ni Isko, babalik na ang matinong gobyerno ng Maynila!

0 11

Advertisers

MAY warning, may paunang pasabi si Yorme Isko Moreno — na tiyak na babalik na uli bilang Manila Mayor — sa mga Tolongges, sa mga adik, sa mga buraot, at mga nagkalat na kriminal sa kalye; sa mga siga at lima-singko, lima-singko holdaper, lima-singko snatcher.

Nasaan ang gobyerno ng Maynila… Walang gobyerno kasi ngayon sa Maynila, walang gobyerno!

Ang gobyerno ay gobyerno, dapat laging may aksyon.



“Hoy, mga adik, magbago na kayo, babalik na ako! Mga adik, tumigil na kayo sa katu-trumpeta. May awa ang Diyos na pagnakabalik ako, sa tulong nyo, ibabalik ko sa inyo ang gobyerno,” sabi ni Yorme Isko.

Ang ibabalik niya ay gobyerno ng Maynila — sa umaga, sa tanghali, sa hapon, sa gabi, sa madaling-araw, may gobyerno sa Lungsod ng Maynila,” sabi ni Yorme Isko.

Isa ito sa real talk ni Yorme sa kanyang mga campaign rally sa 6 na distrito ng Maynila na isiniwalat niya ang bawat araw, nagkalat, mandin, ay walang takot ang mga kriminal, kaya ang babala niya, sa kanyang pagbabalik, wawalisin niya ang aniya, ay mga salot ng komunidad.

Ganyan dapat ang isang lider; si Yorme talaga ang dapat na ibalik ng mamayang Manilenyo sa Mayo 12 para ibalik ang gobyeno sa Maynila, at ang mga tatay, nanay, lola, lolo, ang mga ate, kuya at ang mga nagmamahal sa mga kapamilya ay magkaroon ng kapanatagan.

Sa kanyang kampanya sa bawat distrito ng siyudad, ang nagiging sagot kay Yorme ay malakas na sigaw, “Babalik na, babalik na si Yorme!”



At ang sigaw sa paligid, “I love you, Mayor!” na tinutugon niya ng “I love you too!”

Sa bawat kanyang mensahe, lagi huling sinasabi ni Yorme ay ang pakiusap, isulat sa balota ang buong tiket ng Yorme’s Choice, lalo ang kanyang katiket na vice mayor, Chi Atienza, mga konsehal at kongresista niya sa anim na distrito ng Maynila.
***
Itong eleksiyon sa Maynila ay hindi lamang labanang lokal– uimakyat na ito sa level ng national politics, bakit ika nyo?

Remember itong isang partylist congressman na nais maging mayor, kuntodo suporta sa kanya ni Speaker Martin Romualdez.

At trending pa ang pagyayabang ng kandidatong ito na kalahating bilyong piso — na taxpayers money — ang ipinamigay raw sa Tondo at iba pang distrito sa Maynila.

Basta, P500-milyon daw ang ipinamigay, pero kung sino-sino ang mga tumanggap, walang listahan, e may naibulsa ba?

Eto nga noong Huwebes ng gabi (Abril 24), sa Tondo, mismong si Vice President Inday Sara Duterte ay inendorso si Yorme at ano ang sabi niya kay Comebacking Isko?

Ang turing ni VP Inday kay Yorme ay ang kanyang “pinakamamahal na Mayor ng siyudad ng Maynila.” at sa kampanyang ito, kasama niya si reelectionist Senator Imee Marcos ay Atty. Jimmy Bondoc.

Eto ang matindi, yung kongresista na panay ang upak kay Yorme na ang bunganga ay parang tubig ng kanal ang ibinubuga sa pag-atake personal sa kanya, ipinagtanggol ni VP Inday.

Gutter language kasi itong ibinubuga ni 2nd District reelectionist Representative Rolando Valeriano laban kay VP at kay Yorme.

Sanay raw siya, sabi ni VP Inday na makipagbardagulan sa “Kanal” — na tinutukoy si Valeriano — at dun mismo sa rally na iyon, inendorso niya si dating three-term congressman Carlo Lopez.

Kung magaling mangutya si Valeriano, magaling tumirada si VP, kasi ito raw kongresista, “sa sobrang laki ng leeg niya naiipit na ‘yung boses niya,” …. ano, boses ipis?

Hayan ang napala mo, kasi itong si Vale, si Yorme Isko raw kasi, kasali sa “Tokhang regime” at “Team Evil.”

Basta, kahit ano pa ang ikapit na kantyaw, paninira nila kay Yorme, iisa ang matitiyak natin: Sa Mayo 12, sa mismong election day, ang patuloy na pangingibabaw niya at ng Yorme”s Choice sa mga survey at maging sa Kalye survey ay matutuldukan na.

Si Yorme Isko, kasama si Ate Chi Atienza at ang buong tropa ay babalik na.

Matatapos na ang araw ng mga Tolongges. at babalik na ang totoong gobyerno ng Maynila.
***
Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay sumulat o magmensahe sa bampurisima @yahoo.com.