Advertisers

Advertisers

SENIOR CITIZENS, MUSLIMS, TRUCKERS AT WORKERS SA MAYNILA, SUPORTADO SI MAYOR HONEY

0 2,376

Advertisers

Patuloy na dumarami ang malalaking grupo na sumusuporta sa kandidatura ni Manila Mayora Honey Lacuna para sa ikalawang termino bilang alkalde ng lungsod.

Kelan lang, ang Confederation of Truckers Association of the Philippines, Inc. (CTAP), na binubuo ng 1,200 operators-members at 12,000 operational units. truck owners, operators at mga manggagawa na naka-base sa Maynila, ay nag-anunsiyo ng kanilang buong pagsuporta kay Mayor Honey dahil ito daw ang tumapos sa kultura ng ‘kotong’ na umiral nung panahon ni Mayor Isko Moreno. Si Mayor Honey din daw ang tanging mayor na nag-alis ng tinatawag na ‘passing through fees’ na ipinataw ng MTPB.

Ang nasabing fees ay iligal at binabayaran nila sa pamamagitan ng pag-GCash sa mga asawa ng enforcers. Wala itong resibo at di napasok sa kaban ng Maynila.



Sabi ni CTAP President Maria Zapata, meron silang di bababa sa 12,000 trak na dumaraan sa Maynila araw-araw. Ang singilan daw ng ‘passing thru fees’ ay P2,500 kada trak kada buwan. Bale 12,000 trucks x P2,500 per month x 12 months x 3 years ni Isko. Umaabot ito ng higit isang bilyon at di pa kasama diyan ‘yung panahon na na-extend ang MTPB chief ni Isko ng dalawang taon.

Natagalan bago naiparating ng CTAP kay Mayora ang iligal na koleksyon sa kanila at nang mangyari ‘yun, agad nitong pinalitan ang hepe ng MTPB at itinalaga si Narciso ‘Toti’ Diokno III at ipinahinto ang nasabing koleksyon. Itinalaga din ni Mayor Honey si City Administrator Bernie Ang para sa tuloy-tuloy na pag-uusap sa pagitan ng lungsod at CTAP.

Ilang araw lang bago nito ay nagpahayag naman ng suporta kay Mayor Honey ang Sultanate of Phangampong a Pilipinas Da’wah Solidarity Inc. na binubuo naman ng may 3,000 member-leaders at mga grupo ng komunidad ng mga Muslim na naka-base sa Maynila.

Pinuri ng nasabing grupo ang mga programa ni Mayor Honey na pinakikinabangan ng lahat ng sektor sa Maynila, lalo na pagdating sa serbisyo medikal, edukasyon at peace and order at gayundin, dahil sa pagiging tapat nito at sinseridad sa pag-aalaga sa Muslim communities sa lungsod.

Bukod sa kanila, nagdeklara na din ng suporta ang United Muslim Community in Manila na binubuo din ng iba’t-ibang grupo ng Muslims.



Pero ang pinakauna at sa tingin ko ay pinakamatinding suporta na talagang masasabing sukatan ng kagalingan ng serbisyo ni Mayor Honey ay nagmula sa Senior Citizens Party-list, na nagsabing si Lacuna ang uri ng alkalde na ‘deserve’ ng mga taga-Maynila ngayon at sa mga darating pang taon.

Ang pag-endoso ay ginawa ni Senior Citizens’ Party-list Rep. Rodolfo Ordanes sa isang programa na dinaluhan ng lahat ng opisyal at miyembro ng kanilang party-list, kung saan sinabi nito na sa hanay ng mga natakbong mayor sa Maynila ay si Lacuna ang ‘the best,” pinaka-consistent o tuloy-tuloy ang malasakit at pina-epektibo pagdating sa pangangalaga ng mga karapatan at kapakanan ng senior citizens.

Binigyang-diin din ni Ordanes na sa buong bansa ay katangi-tangi si Lacuna na nagawang pantayan ang P1,000 buwanang allowance na ibinibigay ng DSWD sa senior citizens at dahil diyan, tatanggap ngayon ang mga seniors ng Maynila ng stipend at city allowance na may kabuuang halaga na P24,000 kada taon, kung saan P12,000 ay mula sa pamahalaang-lungsod ng Maynila samantalang ang kalahating P12,000 ay mula naman sa DSWD.

Ani Ordanes, walang ibang kandidato sa pagka-Mayor sa Maynila ang maaring makapagmalaki na nakagawa ng mga ginawa ni Lacuna. Binanggit nito ang tuloy-tuloy na pagbibigay ng hanapbuhay sa mga seniors, retirees at persons with disability (PWDs) at kung paano na ang pagkakaroon ng senior citizen dependents sa isang tahanan ay ginawang isa sa mga dahilan sa pagpili ng mga ginagawaran ng ‘ rent-to-own condominium units’ sa lungsod.

Bilang isang doktora ay naiintindihan umano ni Lacuna ang mga pangangailangan ng seniors at mga pamilyang Manilenyo at ginawa umanong makabago ni Lacuna ang sistemang pangkalusugang serbisyo sa Maynila sa isang pamamaraan na hindi pa nagawa ng sinumang naging mayor bago pumasok ang administrasyong Lacuna.

Sa katotohanan, ani Ordanes, si Lacuna din ang nagligtas sa Maynila sa COVID pandemic dahil siya ang tunay na nasa likod ng lahat ng trabaho upang paganahin ang sistemang pangkalusugan nang mga panahong iyon at ayon sa Kongresista, ibinibigay niya kay Lacuna ang kredito dahil ‘yun ang nararapat at ‘deserve’ niya (Lacuna) ito.

Matatandaan na noong kasagsagan ng pandemya, si Lacuna, sa kanyang kapasidad bilang isang doktora, ang siyang nangasiwa ng pagpapatakbo sa anim na district hospitals sa Maynila, 44 health centers at maging ng COVID hospital. Pinangunahan din niya ang pagbabakuna kung saan nagpupunta siya mismo ay nagpupunta sa mga tahanan ng senior citizens at mga ‘bedridden’ o nakaratay sa banig ng karamdaman, para sila ay bakunahan laban sa COVID, sa kabila ng bantang panganib na siya ay mahawaan.

Sabi pa ni Ordanes, kahanga-hanga ang ‘track record’ ni Lacuna pagdating sa pagkilala sa mga karapatan at kapakanan ng mga senior citizens at ayon pa sa kanya, si Lacuna ay isang ehemplo na dapat gayahin ng lahat ng alkalde sa bansa. Tumpak!!

***

Maaring mag-text o tumawag sa 0917-5225128 para sa anumang reaksyon.