Advertisers

Advertisers

Cayetano, nais bumuo ng labor commission para sa kapakanan ng manggagawa

0 6

Advertisers

ISINUSULONG ni Senador Alan Peter Cayetano ang paglikha ng isang “Labcom,” o Labor Commission, isang interagency body na gagawa ng mga patakaran hinggil sa “living wage” at pagtugmain ang mga pagsisikap ng iba’t ibang sektor upang mapabuti ang mga kondisyon sa paggawa sa bansa.

Sa isang press briefing sa bisperas ng Araw ng Paggawa, sinabi ni Cayetano na ang LabCom at ang komposisyon nito ay magiging pattern pagkatapos ng Second Congressional Commission on Education (Edcom 2), ang Komisyon na nilikha ng Kongreso upang suriin ang sistema ng edukasyon.

Ani Cayetano, ang panukalang legislative-executive body ay magkakaroon ng tatlong miyembro ng Gabinete, tatlong senador at tatlong miyembro ng House of Representatives bilang mga komisyoner.



Kasama rin dito ang mga kinatawan mula sa mga major businesses, SMEs (small- and medium-sized enterprises), at labor groups.

Nabatid na siya at ang kanyang kapatid na si reelectionist Sen. Pia Cayetano, ay maghahain ng panukalang batas sa susunod na linggo upang gawing pormal ang kanyang panukala.

“Sa darating na Lunes, magsusumite ako ng panukala para lumikha ng isang Executive-Legislative Labor Commission. Dito, magsasama-sama ang mga kinatawan mula sa Kongreso, executive department, maliliit na negosyo, at sektor ng manggagawa upang pag-usapan at hanapan ng pangmatagalang solusyon ang isyu ng living wage,” ani Cayetano.

“Base sa aming karanasan nina Senator Pia at Senate President Chiz, ganito rin ang naging hamon noon sa sektor ng edukasyon. Pero sa pamamagitan ng EDCOM 1 at 2, napagsama-sama namin ang mga pangunahing sektor at nakabuo ng mga kongkreto at epektibong rekomendasyon para tugunan ang learning crisis,” saad pa niya.

Pag-aaralan aniya rin dito kung ano ang tunay na kailangang sahod batay sa aktwal na gastusin ng isang pamilya tulad ng sa edukasyon, kalusugan, at iba pa. (Mylene Alfonso)