Advertisers

Advertisers

Jomari wish magkaroon ng reunion movie kasama ang co-Guwapings na sina Mark at Eric

0 5

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

SA isang panayam, sinabi ni Jomari Yllana na wish niya na magkaroon sila ng reunion movie ng kanyang mga kaibigan at dating kasamahan sa grupong gwapings na sina Mark Anthony Fernandez at Eric Fructuoso. Tutal nasa ‘Pinas na rin naman daw ngayon si Abby Viduya, na asawa na ni Jom ngayon.

Nagkasama sa pelikulang Gwapings: The First Adventure noong 1992 sina Jom. Mark, Eric at Abby. Ito ay mula sa Regal Entertainment, at sa direksyon ni Jose Javier Reyes.



Nananawagan si Jom sa mga producers na kunin silang apat sa isang pelikula.

Huli raw silang nagkita at nagkausap ni Mark noong 2023 sa isang event ng ASAP.

Nang tanungin si Jom kung anong reaksyon niya nang makita ang video scandal nI Mark, ang sabi niya na natatawa, ang laki ng reaksyon niya. Parang hindi raw siya makapaniwala, na malaki ‘yung kargada ni Mark. Ano raw ba ang nangyari? Dati naman daw ay hindi yun malaki.

Kayang-kaya raw biruin ni Jom si Mark, dahil close sila. At dati pa naman daw ay lagi silang naglolokohan/nagbibiruan.

***



MAY bagong alaga ang aming kaibigang si Jam Ochagabia. Siya ay si Jam Leviste, 13 years old at incoming Grade 8 sa Estella Maris, Bulacan.

In fairness kay Jam, maganda at flawless siya. Artistahin talaga ang dating niya.

Actually, hindi na bago sa showbiz si Jam. Nakagawa na siya ng isang teleserye before, na gumanap siya rito bilang isang pulubi. Napanood ang serye sa Facebook.

Pinaghandaan ni Jam ang pagpasok niya sa showbiz. Nag-acting at dance workshop siya, at nag-voice lessons din.

Nag-aaral din siya ng communication skills, para mas lalong humusay ang pakikipag-usap at pakikiharap niya sa iba’t ibang kase ng tao.

May business si Jam at her young age. Isa itong pabango, na ang tatak ay mismong pangalan niya, na Jam Levoiste.

Given a chance, gustong makatrabaho o makasama ni Jam sa isang proyekto ang mga idolo niyang sina Kathryn Bernardo at Marian Rivera.

Nagsimula ang paghanga ni Jam kay Marian, nang mapanood niya ito sa pelikulang Rewind.

Next week ay magsisimula na si Jam ng recording para sa una niyang single tited Awit ng Puso, na mula sa komposisyon ng award-winning composer na si Vehnee Saturno.

Gaya nga ng sabi namin, maganda si Jam kaya naniniwala kami na future beauty queen siya.

Nang tanungin namin kung may balak siyang sumali sa mga beauty contest kapag dalaga na siya, ang sagot niya ay oo.

O di ba, pangarap din pala talaga nI Jam na maging isang beauty queen?