Advertisers

Advertisers

MARBIL AT TORRE DI RAW TAKOT SA KASONG ISASAMPA NI SENATOR IMEE

0 8

Advertisers

Sinagot ng Philippine National Police (PNP) ang mga naging pahayag ni Sen. Imee Marcos na maaari umanong sampahan ng kaso si PNP Chief PGen. Rommel Francisco Marbil at maging si Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Chief MGen. Nicolas Torre III kaugnay pa rin sa naging pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na siyang kasalukuyang tinatalakay sa Committee on Foreign Relations ng Senado.

Sa isang pulong balitaan, inihayag ni PRO III at PNP Spokesperson PBGen. Jean Fajardo na handa ang mga hepe na harapin ang kahit ano mang criminal at administrative cases na maaaring ihain ni Sen. Marcos laban sa kanila sa kahit ano mang proper forum.

Kasunod nito ay muling binigyang diin ni Fajardo na ang tanging ginampanan lamang ng PNP sa pag-aresto sa dating Pangulo ay ang pag-aabot ng assistance sa Philippine Center on Transnational Crime (PCTC) para sa implementasyon ng red fusion notice para kay datng Pangulong Duterte.



Ani pa ni Fajardo, naniniwala ang mga hepe na ang kanilang mga naging kilos sa naging pag-aresto sa dating opisyal ay batay at naayon sa batas at sumasailalim pa rin sa kanilang sinumpaang mandato bilang bahagi ng organisayon ng PNP.

Samantala ikinagalak naman ng silent majority sa mga opisyal ng PNP na may ranggong Kapitan pataas ang hakbang ng komite ni Sen.Marcos laban kay MARBIL, Torre at Fajardo na sa pananaw ng mga young officers ng pambansang kapulisan ay harapang pamumulitika at di pagsaalang- alang sa tunay nilang tungkulin at responsibilidad sa bayan at mamamayan.

Sinabi naman ni Baguio City Mayor at dating PNP General Benjie Magalong na karamihan sa mga heneral ng PNP ay natutuwa kung makakasuhan nga sina MARBIL upang malinis naman ang institusyon ng pagpupulis sa maling persepsiyon ng mamamayan na ang kapulisan ay puwedeng gawing pribadong puwersa ng mga nakaupong pulitiko gaya ni Pangulong Marcos Jr. at pamilya nito.

Binulgar din ni Magalong na nakakatanggap ito ng ulat sa ilang aktibong opisyal ng PNP na mismong si First Lady Liza Araneta Marcos ang kadalasang nagbibigay ng direct orders sa kapulisan kahit pa nga wala itong legal personality na magmando at mangialam sa affairs ng uniformed personnels ng GOBYERNO.

Hala may ganun?



Idinagdag pa ni Magalong na pati sa promotions at designations ng mga opisyal sa PNP at sa AFP ay si FL Liza ang nasusunod kung kaya’t nagkakaroon ng demoralization sa hanay ng mga ito.

Ang kapal din naman ng mukha ng babaeng ito,puna naman ng mga aktibo at retiradong opisyal na graduates ng Philippine Military Academy (PMA).

Parang dapat nang ikahiya talaga ng mga kapulisan at kasundaluhan natin ang umiiral na sistema.

Kadiri at nakalasuka na.

Sobra nang nabababoy ang mga institusyon ng pamahalaan.

Tama na!

Sabi nga ni Manang Imee, OKINAM LIZA!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com