Advertisers

Advertisers

MGA KATANUNGAN SA ARAW NG MANGGAGAWA

0 7

Advertisers

SA maraming taon na nagdaan, at tuwing gugunitain natin ang Araw ng mga Manggagawa, yun at yun pa rin ang ating mga tanong.

Kailan matatapos ang kontraktuwalisasiyon? May nagbago na ba rito? Ano ba ang talagang agenda ng Kongreso rito? Ang ating mga kababaihang manggagawa ba ay pantay na ang karapatan sa mga kalalakihan? Paano ang ating mga Overseas Filipino Workers (OFW)?

Ilan lamang yan sa palagiang katanungan natin tuwing Labor Day.



Kalimitan laging ipit dito ang Department of Labor and Employment (DoLE) kung saan lagi naman ginagawa nito ay hikayatin ang mga nais na maging manggagawa sa mga job fairs kapag-Labor Day.

Pero walang sinasabing magagandang mangyayari para sa ating mga manggagawa na tila binabaon nang binabaon sa hirap at pasakit.

Dangan kasi, parang mas mahirap lalo humanap ng trabaho ngayon, at kung magkahanap ka man ay sangkaterbang kabawasan sa iyong sahod na kakarampot.

Paano ba natin mareresolba ang isyung ito, na tuwing Labor Day lang tila napag-uusapan. Pagtapos, ay balik na sa dati. Di na pansin muli ang sektor ng manggagawa.

Ganyan na nga siguro, tayong mga Pinoy, panandaliang sulosyun lang ang alam sa probelma.



Pero di yan ang gusto ni PBBM, ang kanyang nais, bukod sa pagbibigay ng trabaho sa ating mga kababayan, lahat ng ahensiya ng pamahalaan ay magsama-sama para magbigay naman ng iba pang kapaki-pakinabang na mga benepisyo para sa mga manggagawa.

Kilos na, mga opisyal ng pamahalaan nang mapakinabangan naman kayo ng ating mga kababayan.