Advertisers
Ni Beth Gelena
NAGPA-vasectomy na si Drew Arellano pagkatapos ns maging lima na ang anak nila ni Iya Villania.
Sa Instagram Story ni Drew pinost niya ang kanyang self photo kung saan nasa isang hospital siya.
May advance greetings siya sa kanyang wifey na si Iya, aniya, “Happy late and advanced Mother’s Day to my wife. #HappyVA-SEC-TO-MEEE #SnipSnip #SarapYungSedativeAh.”
Ang desisyon niyang magpa-vasectomy after na ipanganak ni Iya ang kanilang ikalimang anak.
Komento ng kanilang kapwa Kapuso artist na si Camille Prats, “Wooooohooooo so proud of you, pars!”
Si Karel Marquez, “Hahahaha! Brave one, Drew! Iya and I were talking about it last night and here you are hehehehe!”
Sina Iya at Drew ay kinasal last January 2014.
May lima na silang anak — Antonio Primo, Alonzo Leon, Alana Lauren, Astro Phoenix, at Anya Love.
May nagkomento na isang netizen, “Next…Oyo Boy”
Tulad kasi ni Drew ay nakailang anak na rin si Kristine Hermosa, ang misis ni Oyoboy.
***
MILES DREAM MAKATRABAHO SI JUDAY
DREAM ni Miles Ocampo na makasama sa isang project ang Teleserye Queen na si Judy Ann Santos.
Binulgar ito ng aktres pagkatapos niyang pumirma ng kontrata sa Triple A Management.
Nagkakausap naman daw sila ni Juday kapag nadadalaw sa Eat Bulaga ang aktres dahil sa co-host nilang si Ryan Agoncillo, ang mister ni Juday.
“Alam niya po na starstruck ako sa kanya, na minsan sinasaway niya ako kapag nakikita niyang nahihiya ako sa kanya,” wika ni Miles.
“Minsan, may mga party po, like birthday ni Kuya Jose (Manalo), may mga ganu’n. Nakaka-starstruck talaga na tatahimik na lang ako minsan,” sabi pa ni Miles.
Never pa raw siyang nabigyan ng chance na makasama sa serye o pelikula si Judy Ann kahit pa nga nasa ABS-CBN pa siya noon.
“Hindi po talaga, kaya yung hiya ko… siyempre, dream ko yun na maka-work ko.
“Alam ni Kuya Ryan na nahihiya ako. Pero minsan, tumatambay kami sa bahay nila, pero nahihiya pa rin ako,” ani pa Miles.
***
ALDEN INAABANGAN SA BAGO NIYANG SHOW
SI Alden Richards ang host ng bagong show ng GMA7, ang Stars On The Floor, ang newest at biggest Filipino reality dance competition.
Sa nasabing dance competition, kinilig ang fans ng actor dahil mapapanood daw nila ang kanilang idol na sasayaw din sa stage.
Aside raw sa akting at singing, ibig nilang mapanood si Alden na umiindayog naman daw ang katawan kaya ngayon pa lang ay inaabangan na nila kung gaano kahusay sumayaw ang kanilang idolo.
Alden will keep the energy high on stage, bringing the perfect mix of warmth and humor as he interacts with the dance star duos and the show’s distinguished panel of dance authorities.
Viewers can count on Alden’s natural charm to shine through as he introduces thrilling performances, hints at what’s coming next, and celebrates every incredible routine.