Advertisers

Advertisers

SV batid na ‘di na maloloko ang mga Manileño

0 3

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

IBANG klase ang dedikasyon ni Sam Verzosa sa pag-abot sa puso ng mga taga-Maynila; pinakamaigsi na yung walong oras ang inaabot sa paglilibot niya sa pangangampanya niya bilang alkalde ng lungsod ng Maynila.

“Oo, eight hours, grabe,” bulalas ni Sam o SV.
“Siguro more than 100,000 people yung nakawayan ko, at nabigyan ko ng pag-asa at ngiti sa bawat araw.
“Iyan ang pinakamasaya sa akin, na hindi lang yung nakita ka nila pero nakita ko sa kanila yung excitement, yung ngiti, lalo na yung pag-asa.



“Pag tuwing nakakakita ako, ‘Ikaw ang pag-asa namin, ikaw ang mayor namin, sagipin mo kami, mahalin mo mga seniors, tulungan mo kami SV, bago naman, bago naman.’

“These are the words na palagi nilang isinisigaw. Naka-smile, yung iba, umiiyak, kahit na lalaki po, na-touch ako, maton na maton, umiiyak!

“Akala ko tuloy, ano’ng problema, yun pala nata-touch siya, nagiging emotional siya na magkakaroon ng bago na mamumuno.

“Lahat yun caught on video, kaya nga sabi ko, sa panahon ngayon, hindi mo na puwedeng dayain ang mga tao. Dati maraming magagaling mambola e, maraming magagaling magpakitang-tao, pero ngayon, nababasa na nila ang sinseridad mo, ang totoo sa mukha mo, sa pananalita mo.

“Hindi mo na mapepeke yan, kaya nga ako, nagpapakatotoo lang ako, kung ano yung nakikita niyo, iyon yun.



“Masaya ako, masaya ako, kung nagagalit ako, nagagalit ako dahil maraming mapang-abuso e, maraming masasama.

“Sabi nga nila, yung mga masasama na yan, magtatagumpay lang yan pag walang ginagawa yung mga mabubuting tao.

“Kaya nandito ako para ipaglaban yung mga inaabuso, inaapi at talagang kinakawawa dito sa Maynila.”

Ano so far ang realization niya tungkol sa pulitika, sa pagtakbo, sa paglapit sa mga tao?

“Mas napalapit ako sa kanila,” bulalas ni Sam, “mas napamahal ako sa kanila.

“Iba kasi pag lagi mo silang nakakasama e. “Parang pag-ibig lang e, pag lagi mo nakakasama, nagiging close kayo, napapalapit ka, nagiging close ka at ngayon, mas tumindi yung pagmamahal ko sa kanila.

“Mas lalo kong gustong ialay yung sarili ko sa kanila.

“Sabi ko nga, baka ito na yung tinadhana sa akin, ito talaga yung gusto ng Panginoon sa akin.

“So isa sa mga gagawin natin ay solusyonan yung mga problema nila. Tayo po ay isang problem solver, civil engineer ako, negosyante ako, napakadami ko ng problemang nilagpasan sa buhay, napakadami ko ng binagong buhay, marami na akong natulungan, marami na akong pina-asenso.

“Kung ano man ang ginawa ko sa buhay ko at ibang tao at mga kumpanya ko, puwede kong gawin sa Maynila para matulungan kong umasenso,” pagbabahagi pa ni SV.