“UNTOLD” Ni Jodi Sta. Maria Dinudumog Sa Sinehan Ng Mga Estudyante, Palabas Na Rin Sa US; Grand Rally Ng USWAG ILONGGO PARTY-LIST Ni Cong. Jojo Ang Naging Matagumpay!
Advertisers
Ni Peter S. Ledesma
STAR studded ang celebrity Red Carpet Premiere ng “UNTOLD” movie ni Jodi Sta. Maria held at Cinema 3 of SM Megamall last April 29, Tuesday. Ilan sa namataan kong stars na dumalo sa said premiere night ay sina Ma’am Charo Santos kasama ang sister na si Ma’am Malou Santos na head ng Star Cinema, Loisa Andalio, MJ Lastimosa, Rob Gomez, Nikki Valdez at buong cast ng Untold at director nito na si Derick Cabrido.
At siyempre pa ang mga big boss ng Regal Entertainment na sina Ma’am Beautiful Roselle and Sir Keith Monteverde. Infairness, jampacked ang buong Cinema 3 at marami ang nakatayo. At walang tigil ang tilian at sigawan sa bawat nakatatakot na eksena. Walang halong chika, grabe manakot si Jodi na gumaganap na journalist at star reporter na si Vivian Vera. At mahalaga ang bracelet at partisipasyon ng pusang si Kitty Marie sa movie na pinagsimulan ng kalbaryo ni Jodi na nakakita ng multo. Kapupulutan ng malaking aral ang Untold lalo na sa mga reporter na trabahong magpakalat ng fake news, na sa bandang huli ay sisingilin ka sa iyong pagkakasala.
Mula umpisa hanggang ending ng movie, ipinakita ni Jodi ang husay niya sa pag-arte at forte na rin nito ang horror. Agaw eksena rin ang kamatayan ni Benjie (Joem Bascon) na gumaganap na boyfriend ni Jodi. Also JK Labajo as Jasper Torres na in-love kay Vivian at naging shoulder to cry on siya nito. Pawang mahuhusay rin sina Gloria Diaz (mom of Jodi), Mylene Dizon, Kaori Oinuma, Sarah Edwards at Lianne Valentin, etc.
Maliban sa horror ay may drama, suspense at linyahang comedy ang film. Samantala, sa unang araw ng showing ng Untold sa 210 cinemas nationwide at noong May 1 (Labor Day) ay dumagsa sa mga sinehan ang mga estudyante. Bale 250 lang ang price ng ticket sa mga students at magpakita lang ng ID. Yan ang regalo ng Regal Entertainment, Inc sa kanila. Palabas na rin ang Untold sa USA, CANADA, at GUAM. This May 8 ay palabas naman ito sa Singapore sa mga sumusunod na Cinemas: CATHAY CINEPLEXES, CAUSEWAY POINT, CLEMENTI 321, CENTURY SQUARE, at DOWNTOWN EAST. Ka-collab ng Regal Entertainment ang ABS-CBN International sa pagpapalabas ng Untold sa abroad.
***
LIBU-libong Ilonggo na galing pa sa iba’t ibang lugar sa Iloilo at Western Visayas ang sumaksi sa KALIPAYAN KAG KAUSWAGAN GRAND RALLY, ng USWAG ILONGGO PARTY-LIST ni Cong. James “Jojo” Ang. Aside kasi sa Grand Rally ay may libreng pa-Concert pa si Cong. Jojo and his whole Team. At pinangunahan ito ng endorser ng Uswag Ilonggo na si Alex Gonzaga with Bamboo, Kyle Echarri, Jed Madela, Hale, NexTone, The Juans, and Stand-up Gay Comedian Atak.
Yes, punung-puno talaga ng crowd ang Gaisano Capital Iloilo City Center sa Ninoy Aquino Avenue, Mandurriao, Iloilo City na pinagdausan ng rally cum concert. At lahat ay nag-enjoy sa handog na libreng konsiyerto ni Cong. Jojo. In all fairness, patok sa lahat ng Ilonggo ang kikay na performance ni Alex, na kinanta pa ang revival na hit song na “PASULYAP-SULYAP!” Also Bamboo and Kyle. At grabe mabibingi ka raw talaga sa sigawan, hiyawan at palakpakan ng audience sa said venue. By the way, narito naman ang post ni Cong. Jojo sa kanyang social media account bilang pasasalamat niya sa lahat ng dumalo at sumuporta sa kanilang Grand Rally.
“Daku gid aton pagpasalamat sa aton partners in public service halin sa ciudad kag probinsya sang Iloilo kaupod ang libo-libo nga nagpakita sang ila suporta sa Uswag Ilonggo Party-List sa ginhiwat nga Kalipayan kag Kauswagan Grand Rally
Madamo gid salamat kay Former Senate President Franklin Drilon, Gov. Toto Defensor, Cong. Mike Gorriceta, Cong. Nonoy Defensor, Cong. Ferj Biron, Mayor Jerry Treñas, Iloilo City Councilors, kag sa mga Mayors, Vice Mayors, SB Members and Board Members halin sa nagkalain-lain nga kabanwahanan kag distrito sang Iloilo sa inyo solido nga pagsuporta sa 156 sa balota USWAG ILONGGO PARTY-LIST
Makasalig gid kamo nga mas bakasan pa gid namon ang paghatag sang KAMPIYON NGA SERBISYO para sa inyo tanan. Ang inyo pagsalig naghatag gid sang tuman nga kusog kag determinasyon nga lab-uton naton ang kauswagan kag kadalag-an sa magaabot nga May 12.
Indi gid namon kamo pagbiguon sa 156 USWAG ILONGGO, sogurado ang pag-uswag ninyo. Aton ini!”