Advertisers
Mula 2019 hanggang 2025, patuloy na umaasa ang mga mamamayan ng Pasig sa ipinangakong pagbabago ng kasalukuyang administrasyon. Ngunit sa kabila ng mga pahayag ng reporma at makabagong sistema, marami pa ring mga isyu ang nananatiling walang linaw at walang pananagutan.
Isa sa mga unang kontrobersya ay ang tablet at laptop project ni Valerie, na umano’y may anomalya sa proseso ng pagbili. Hanggang ngayon, wala pa ring inilalabas na resulta ng imbestigasyon, at nananatiling tikom ang bibig ng pamahalaan.
Kasunod nito, lumutang din ang pangalan ni Bryant Wong kaugnay ng pagbili ng drones at iba pang COVID-19 supplies noong kasagsagan ng pandemya. Wala ring naging public update kung nagkaroon ba ng audit, refund, o accountability.
Sa panig naman ng procurement, si Jo Lati, bilang BAC Chairman, ay sinasabing responsable sa paulit-ulit na rebidding ng mga kagamitan, dahilan umano ng pagkaantala ng mga serbisyo sa iba’t ibang departamento. Ilang opisyal ang nagsabing naaapektuhan ang basic services dahil walang sapat na supply na naipapasa sa tamang oras.
Samantala, si Jeron Manzanero, na bahagi rin ng core team ng chief executive, ay isinasangkot sa isyu ng diumano’y pagtanggap ng condominium units mula sa mga developers at benepisyo mula sa garbage collection project. Kasabay nito ang alegasyon ng hindi pag-aksyon sa mabagal na serbisyo ng pamahalaan. Wala pa ring opisyal na pahayag ukol sa mga paratang.
Noong 2022, muling nangako ang administrasyon ng pagbabago sa pamamagitan ng data system, ngunit ayon sa maraming residente, lalo lamang bumigat ang proseso ng pagkuha ng permits, ayuda, at iba pang basic services.
Ngayon, muli na namang ginigimbal ang lungsod ng mga panibagong isyu. Nadawit sa theft case si Sangguniang Kabataan President Keil Custillas, habang si Patty Torres ay tinamaan ng Notice of Disallowance mula sa COA, Sa kabila ng mga isyung ito, nananatiling tahimik ang konseho at ang buong pamahalaan ng lungsod.
Ayon sa ilang residente, ang matagal na kawalan ng sagot ay nagpapalalim lamang ng pangamba at pagkadismaya. “Mahirap na pong maniwala sa pagbabago kung wala kaming naririnig na closure. Gusto naming marinig ang totoo,” ani ng isang residente na tumangging pangalanan.
Patuloy ang panawagan ng taumbayan para sa transparency, pananagutan, at malinaw na aksyon mula sa lokal na pamahalaan. Para sa marami, hindi na sapat ang mga salitang “pagbabago” at “sistema” na ang dapat na kailangan ng Pasigueno ay katotohanan at hustisya.
***
Para sa Inyong Puri at Puna maaaring mag email sa cesarbarquilla2014@yahoo.com o tumawag or mag text sa 09352916036