Advertisers

Advertisers

TRABAHO Partylist, nanawagan ng Calamity Leave para sa mga apektado ng pagputok ng Bulkang Kanlaon at Bulusan

0 690

Advertisers

Matapos ang pagdiriwang ng Araw ng Paggawa, nanawagan ang TRABAHO Partylist, bilang 106 sa balota, para sa maayos na pamantayan sa calamity leave para sa mga naapektuhang manggagawa bunsod ng pag-alburoto ng Bulkang Kanlaon at pagputok ng Bulkang Bulusan.

Layon ng panukalang calamity leave na mabigyan pa rin ng sahod ang mga manggagawa sa pampubliko at pribadong sektor tuwing may kalamidad- bagay na hindi naman nila ginusto o mapipigilan- upang maitawid nila sa gutom ang kanilang mga pamilya sa pansamantala.

Sa kasalukuyan, nakataas pa rin ang Alert Level 3 para sa Bulkang Kanlaon, lalo na sa mga lalawigang Negros Occidental at Negros Oriental.



Nitong Lunes lamang, sinabayan ang pagputok ng Bulkang Bulusan ng 54 beses na paglindol kung kaya’t idiniin ng TRABAHO Partylist ang kahalagahan ng suporta kagaya ng calamity leave para sa mabilis na pagbangon ng ating mga kababayan.

“Ang mga natural na kalamidad tulad ng pagsabog ng bulkan ay hindi lamang banta sa buhay kundi pati na rin sa kabuhayan at kalusugan ng ating mga manggagawa,” pahayag ni Atty. Mitchell-David L. Espiritu, tagapagsalita ng TRABAHO Partylist.

Giit ng TRABAHO, ang magkasunod na pagputok ng Bulkang Kanlaon at Bulkang Bulusan ay nagsilbing paalala sa kahalagahan ng mga patakarang tutugon sa kondisyon ng mga manggagawa tuwing sakuna at kalamidad.