Advertisers
Ni JULIET Q. PACOT
ILANG survey institution lang sa Pilipinas ang sinasabing may kredibilidad pagdating sa pagkuha ng pulso ng bayan o sentimyento sa lipunan.
Tatlong de-kalidad na survey agency ang pwedeng paniwalaan kabilang ang Pulse Asia Survey, Social Weather Station (SWS) at Octa Research Survey.
Ibinahagi ng Octa Research na sakaling ngayong araw gagawin ang eleksyon ay 100% na mananalo ang tambalang Isko Moreno Domagoso at Chi Atienza sa pagka-alkalde at bise alkalde sa Lungsod ng Maynila.
Sinabi ni Prof. Ranjit Singh Rye, President ng Octa Research kasama si Prof. Guido David sa ginanap na Meet the Manila Press Forum sa Orosa St., Malate, Manila, batay sa resulta ng isinagawa nilang survey nitong Abril 20 hanggang 23, 2025 sa 710,980 respondents mula sa anim na distrito ng Maynila, nakakuha ng kabuuang 63% voter preference si Domagoso mula sa anim na distrito ng Lungsod ng Maynila.
Malayo ito sa mga nakuhang porsiyento ng kanyang mga katunggali na sina incumbent Mayor Honey Lacuna na 18%, Sam Versoza na 16% at Raymond Bagatsing na 1%.
Bagama’t tumaas ng 3% mula sa kanyang dating rating na 15% si Mayor Lacuna, nananatili pa rin na nasa margin of error ito na +/-3% sa OCTA Research survey.
S Atienza naman ay nakakuha ng 60% voter preference habang ang katunggali nito na kasalukuyang Vice Mayor ng Maynila na si Yul Servo Nieto ay nakakuha lamang ng 33%.
Kaya pagsamahin man ang mga boto nina Lacuna at Versoza imposibleng maungusan pa raw ang boto ni Yorme Kois.
Bagay na hindi makapaniwala ang Octa Research dahil maiksing panahon na lang ang nalalabi sa kampanyahan na may natitirang 9 na araw na lamang.
Magtatapos ang campaign period sa Mayo 10, 2025 dahil ang dalawang araw ay pahinga bago ang opisyal na eleksyon sa Mayo 12.