Advertisers

Advertisers

A TEACHER UMAANI NG ATENSYON SA MGA BOTANTE PARA SA DARATING NA ELEKSYON

0 4

Advertisers

ANG A TEACHER partylist ay umaani ng atensyon sa mga botante para sa darating na May 12 elections dahil sa mga programang naglalayong magbigay ng tunay na suporta sa mga mahihirap, lalo na sa mga mahihirap na magsasaka at estudyante sa bansa.

Ang A Teacher partylist nominee na si Virginia Rodriguez ay nagbabala sa mga botante na maging maingat at mapanuri sa kanilang mga pipiliing kandidato sa halalan, dahil ang kinabukasan ng bansa at sa kanilang mga pamilya ang nakasalalay sa kanilang mga desisyon. Pinayuhan niya rin ang mga botante na huwag tangkilikin ang mga kandidato na bumibili ng boto at may bahid ng personal na interes ang dahilan ng pagtakbo.

Ang A Teacher lamang ang tanging partylist na aktibong bumababa sa mga ordinaryong tao at nagsasagawa ng door-to-door campaign upang personal na magbigay ng tunay na serbisyo publiko at maihatid ang mga programa kapaki-pakinabang sa nakararaming mahihirap sa bansa.



Inilatag din ni Rodriguez ang iba’t ibang mga programa kabilang ang mga Food Caravan at mga feeding programs sa mga paaralan at mga Barangay na naging daan upang makapaghatid ng libreng pagkain sa lahat ng mga pampublikong paaralan sa atin bansa. Nakinabang sa mga naturang programa ang maraming estudyante at senior citizens. Naging aktibo rin at patuloy pa na magiging aktibo ang A Teacher sa paglikha ng trabaho sa pamamagitan ng mga programang pangkabuhayan, libreng bigas para sa mga guro, pagtatayo ng mas maraming silid-aralan upang suportahan ang dumaraming populasyon ng mga mag-aaral, at pagpapalawak ng mga serbisyo sa pangangalagang pangkalusugan para sa mga katutubong komunidad.

Binigyang prayoridad ni Rodriguez ang mga magsasaka na umunlad ang kanilang buhay sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga makabagong mga kagamitan sa pagsasaka, pagtuturo sa kanila ng mga makabagong pamamaraan ng pagtatanim para mapalago ang kanilang mga ani, at pagsusulong ng paggamit ng mga organikong pataba sa bansa.

Si Rodriguez na dating mamamahayag at isa na ngayong matagumpay na negosyante ay nakatuon sa pagpapa-unlad ng bansa sa pamamagitan ng pagbabahagi ng kanyang kaalaman sa mga makabagong pamamaraan ng agrikultura at modernong kagamitan, upang mapababa ang presyo ng mga pagkain at iba pang produktong pang-agrikultura.

Sa tulong ng mga specialist, researcher, at Filipino scientist, natuklasan rin niya ang isang organiko na bitamina na gawa sa gulay na nakakapagpagaling ng cancer at iba pang malubhang karamdaman.

Ang pagtuklas na ito ay isang mahalagang paraan upang mawala at tuluyan mapuksa ang sakit na cancer sa bansa.