Advertisers
DINOMINA ng Japanese athletes ang elite division ng 2025 NTT Asia Triathlon Cup Subic Bay sa ilalim ng matinding init sa Subic Freeport Zone Sabado.
Nasungkit ni Takuto Oshima ang men’s title ng 1.5km swim, 40km bike at 10km run race sa isang oras at 50 minuto at 25 segundo.
Nakupo ni Daryn Konysbayev ng Kazakhstan (1:50:52) ang silver habang ang Japanese Japanese Ryousuke Maeda (1:51:16) nakuha ang bronze.
Ang 19-year-old Oshima ay miyembro ng national team.
Kapwa Japanese Ryoya Tamazaki (1:51:53) at Kenshin Mori (1:52:05) nakupo ang fourth at fifth places, ayon sa pagkakasunod.
Sa women’s elite race, Manami Hayashi nakuha ang pinakamataas na karangalan sa oras na 2:04:58.
South Koreans Park Gayeon at Jeong Hye Rim (2:06:25) nagtapos na 2-3.
“The weather was very hot but I’m happy I won,” Wika ng the 20-year-old Hayashi.
“I will come back next year,” Dagdag ng Nagoya-based triathlete.
Hayashi nakamit ang mixed relay silver medal sa Asia Triathlon Sprint Championships sa Hong Kong nakaraang buwan. Pang apat siya sa women’s elite category.
Samantala, Diego Dimayuga at Pio Mishael Latonio ng Get Coach’D Academy at Miharu Oka ng ASkyoto nangibabaw sa kanilang divisions sa 13-15 years old category.
Ang top three sa Super Sprint (Legends Men) ay sina Hiroshi Takei, Noel Salvador at Miguel Antonio Lopez.