Advertisers

Advertisers

Orduña, Balderama kuminang sa ICTSI PH athletics tourney

0 3

Advertisers

NAGSALO sa entablado sina University of the East’s James Darrel Orduña at Far Eastern University’s Rica Mae Balderama Sabado ng gabi sa ICTSI Philippine Athletics Championships sa New Clark City Athletic Stadium.

Nagwagi si Orduña sa men’s 10,000-meter run, may oras na 32.04.01 para pataubin si Prince Joey Lee ng Spectrum-Sto. Niño Dialysis Center (32:08.50) at Richard Salaño ng Philippine Army (32:14.60).

Samantala, si Balderama, binulsa ang women’s long jump gold medal sa 5.75 meters.



Philippine Army’s Sarah Dequinan (5.69) nagwagi ng silver habang TAFT’s Abcd Agamanos (5.55) ang nakakuha ng bronze.

Sa men’s javelin throw, Malaysia University’s Elrick Roslee (63.35m) at Cheah Wei Jun (62.56m) nasungkit ang gold at silver medals, ayon sa pagkakasunod,habang Philippine Army’s Melvin Calano (62.34m) nagwagi ng bronze.

Sa 4x100m relay, Malaysia University (Aliff Iman bin Mohd, Mohammad Thaqif bin Mohammad, Mohamad Raimi bin Mustaffa, at Muhammad Haziq bin Mohamad) naorasan ng 40.79 seconds para mangibabaw sa men’s division.

Ang Philippine National Team (Anfernee Lopena, Ronne Malipay, Kent Francis Jardin, at Clinton Kingsley Bautista) nalagay sa second sa 41.02s kasunod ang Pinoy Athletics (Terrence-O’Neil, Aris Narte, Neil Michael Catral at Jhorge Ace Dannielle) sa 41.66s.

FEU (Diane Shyr Taranza, Shane Joy Ponce, Angel Ann Pranisa at Annie Rose Mercurio) nangibabaw sa women’s division sa 47.09s.



University of Santo Tomas (Lyka Miravalles, Iza Lorraine Pangilinan, Mailene Pamisaran at Lianne Diana Pama) nakuha ang silver medal sa 47.38s habang TAFT (Trexie Dela Torre, Hannah Jandra Delotavo, Erica Marie Ruto at Abcd Agamanos) nagwagi ng bronze medal sa 48.29s.

Samantala, UST’s Ivan Ver Talplacido komulekta ng two gold medals sa U18 category ng paligsahan.

Ang ICTSI Philippine Athletics Championships ay nagsillbing isa sa qualifiers para sa kinatawan ng bansa sa the 33rd Thailand Southeast Asian Games sa Disyembre at ang Asian Youth Games sa Manama, Bahrain sa Oktubre.