Advertisers

Advertisers

SEC. RECTO AT VILMA SANTOS, INENDORSO SI ERWIN TULFO SA SENADO; PINASALAMATAN SA SERBISYO SA BATANGAS AT CALABARZON BILANG DSWD CHIEF

0 4

Advertisers

OPISYAL na inendorso ni Department of Finance Secretary at dating Senador Ralph Recto at dating Batangas Governor Vilma Santos ang kandidatura ni Erwin Tulfo para Senador, bilang pagkilala sa masigasig at tapat nitong serbisyo bilang dating Kalihim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), lalo na sa Batangas at buong Region IV-A.

Ibinahagi ni Recto na noong siya’y kinatawan ng Ika-anim na Distrito ng Batangas, naging mahalaga ang papel ni Tulfo sa pagpapalapit ng serbisyo ng DSWD sa mga Batangueño at karatig-lalawigan, sa pamamagitan ng pagtatayo ng DSWD Field Office IV-A sa Lipa City.

Matatandaang noong 2022, nagpasalamat si Recto kay Tulfo di lang sa pangunguna sa pagtatayo ng naturang Field Office ng Rehiyon, kundi lalo na sa mahusay na pamumuno sa DSWD.



“Ang DSWD ang isa sa pinakamahalagang departamento sa ating gobyerno. Ang DSWD ay natutulungan ang mahigit kalahati ng populasyon ng Pilipinas… Ang DSWD ay parang logistics operator rin dahil una ito sa mga sakuna. Bago pa magkaroon ng sakuna, nakahanda na ang pagtulong nila sa ating mga kababayan. Lahat ng iyan, pinamumunuan ni Sec. Erwin Tulfo,” giit ni Recto.

Samantala, sa ginanap na Alyansa para sa Bagong Pilipinas sortie sa Batangas City nitong Sabado, buong-lakas na inendorso ng nagbabalik sa pagka-Gobernador na si Vilma Santos-Recto ang buong grupo.

“Sa mga ginagalang po nating senador, my best wishes on your future endeavors. Sigurado na naman po kayo. Alyansa na po ‘yan,” ani Santos-Recto.

Nagpasalamat naman si Tulfo sa tiwala ng mga lider ng Batangas lalo na’t mayroon ang probinsya na 1.95 million botante para sa darating Midterm Elections sa Mayo 12.