Advertisers
MALAPIT na ang halalan.Ilan tulog na lang.
Pagisipan nating mabuti kung sino ang ating ibobotong karapat- dapat at iyong TAMang public servant lamang.
Sa bayan ng Paete sa lalawigan ng Laguna, may nagnanais pang bumalik sa pagiging punong-bayan kahit wala umanong napatunayan sa kanyang panunungkulan dahil naging ìstagnante lang anila ang ekonomiya ng bayan na dapat ay sobrang asenso na ang Paete ngayon kung iba lang at maka-mamamayan ang naging ama ng bayan.Sa kanilang muling panliligaw ng boto ay ibibida nila ang ayuda na di naman galing sa kanilang cuarta-moneda.
Ramdam ni Mayor to be Johny Tam na umay na ang Paeteños sa bulok na sistema ng nakaraang administrasyon sa Paete kaya mayroon siyàng paalala at opisyal na mensahe para sa mamamayang botante ng Paete.
“Paalala sa mga mahal kong kababayan:
1) Wag tayong padadala sa mga politikong ginagamit ang AYUDA galing sa national government tulad ng TUPAD, AICS, AKAP, para sa kanilang kandidatura. Hindi po nila sariling pera yan, iyan po ay galing sa buwis na pinaghihirapan ng taumbayan.
2) Sa usaping ayuda, bakit piling-pili lang ang nakakakuha? Napakarami po sa ating mga kababayan ang nangangailangan (senior citizen, PWD, at iba pa) ngunit hindi kailanman naisama sa listahan. Kung sa kampanya pa lamang ay hindi na nila kayo kinikilala, paano natin aasahan ang pantay na pagtingin. at serbisyo nila?
3) Ang problematikong sistema ng ayuda na pinupolitika, at nagbibigay pabor sa iilan lamang na sintomas ng malubhang SAKIT na dumadapo sa ating bayan. Itigil na po natin ito. Hindi po nabibili ang boto ng Paetenyo. Hindi po tayo uunlad sa ganitong paraan.
Sana po ay inyong maunawaan ang munting mensahe ng inyong lingkod. Masakit sa aking loob na mababa ang pagtingin sa inyo ng ilang mga politiko at itinuturing nating lider ng bayan. Naway maging simula ito ng pagbabago sa inyong mga puso at isipan, at kalaunan ay magbunga ng pagbabago para ating mahal na Bayan ng Paete.
Nagpapakumbaba,
Coach Johny Tam
#TeamTam??Capco
Lowcut: FYI Si Mayoràble Johny Tam ay dating collegiate basketball player, naging coaching staff ng Fed Ex team sa PBA at national coach sa panahon ni BAP top brass Graham Lim at isang successful businessman who will turn public servant par excellence for sure..ABANGAN!..Greetings to our kaisport SG Vhergel Divina ng McDo Libertad sa Pasay City.