Advertisers

Advertisers

Trabaho, pagkain top priorities ni Senator Bong Go

0 4

Advertisers

Nananatiling prayoridad ni Senator Christopher “Bong” Go ang paglikha ng trabaho at seguridad sa pagkain sa pagsasabing kailangan ng kagyat na suporta sa mga manggagawang Filipino at magsasaka sa pamamagitan ng mga konkreto at tuloy-tuloy na tulong sa kanila.

“Kung gusto nating maiangat ang buhay ng bawat pamilyang Pilipino, kailangan nating tutukan ang trabaho at pagkain. Realidad ito para sa mga kababayan natin,” sabi ni Go, na idiniin ang kahalagahan ng economic stability sa pang-araw-araw na buhay ng mga Pinoy.

Matatandaang naghain si Go ng mga panukalang batas na ang layon ay maisaayos ang buhay ng mga magagawa at agricultural communities—mga sektor na nagsisilbng backbone ng ekonomiya ng bansa.



Kabilang sa panukalang patuloy niyang sinusuportahan ay ang Senate Bill No. 2534, na magbibigay ng P100 daily wage hike sa private sector employees.

Kung maisasabatas, sinabi ni Go na malaking tulong ito sa manggagawang nabibigatan sa pinansiyal at magpapalakas sa purchasing power ng mga ordinaryong obrero.

“Napakarami pa ring manggagawa ang hirap makatawid sa pang-araw-araw. Dapat natin silang tulungan—sila ang haligi ng ating ekonomiya,” ani Go.

Bukod sa kapakananan ng mga manggagawa, nakatutok din si Go sa agricultural sector. Bilang kasapi ng Senate committee on agriculture, itinutulak niya ang pagbibigay ng mas malawak na suporta sa mga magsasaka at mangingisda.

Isa siya sa nag-akda ng Republic Act No. 11901, o Agriculture, Fisheries, and Rural Development Financing Enhancement Act of 2022, na magpapalawak ” access to credit” sa rural communities.



Kasama rin siya sa awtor at isponsor ng Republic Act No. 11953, o ng New Agrarian Emancipation Act, na nagpapalaya sa utang sa agrarian reform beneficiaries—isang landmark relief sa matagal nang naghihirap na mga magsasaka.

“Hindi sapat na pasalamatan lang natin ang ating mga magsasaka. Kailangan nating siguraduhin na may suporta silang natatanggap, lalo na pag may bagyo o tagtuyot,” sabi ni Go na nananawagan sa gobyerno para sa pagpapalakas ng agricultural systems.

“Kailangan happy ang mga farmers natin. Kaagapay natin sila sa pagsisikap na walang magutom na pamilyang Pilipino,” anang senador.