Advertisers

Advertisers

BONG GO, DINOMINA LAHAT NG SURVEY

0 10

Advertisers

Dinomina ni Senator Christopher “Bong” Go ang halos lahat ng pinakabagong survey para sa mga tumatakbong senador matapos niyang maisemento ang pangunguna sa mga ito.

Sa pinakahuling 2025 Pulse Asia senatorial preference survey, hindi natinag si Go sa unang puwesto, kung saan ay 62.2 porsiyento ng respondents ang nagsabing siya ang kanilang iboboto kung ngayon na gaganapin ang halalan.

Ang survey ay isinagawa mula Abril 20 hanggang 24.



Ang kanyang mataas na ranko sa Pulse Asia ay lalo pang pinatibay  ng dalawa pang hiwalay na inilabas na pambansang survey.

Sa Arkipelago Analytics survey na isinagawa mula Abril 26 hanggang Mayo 1, si Senador Go ay niranggo bilang Numero 1 sa nakuhang 63 porsiyento ng respondents na nagsabing iboboto nila siya.

Gayundin, ang survey ng Tangere na isinagawa mula Abril 29 hanggang Mayo 3 ay nanguna si Go 62.8 porsiyentong suporta ng mga botante.

Si Go, kasalukuyang tagapangulo ng Senate Committee on Health, ay lubos na pinasalamatan ang mga Pilipino sa kanilang patuloy na pagtitiwala sa kanya.

Nangako siya na lalo pang paiigtingin ang kanyang gawaing pambatasan – lalo ang mga programa na makatutulong sa mahihirap, tulad ng pagpapalawig sqa access sa pangangalagang pangkalusugan.



“Maraming maraming salamat po sa inyong patuloy na suporta at tiwala,. Nag-uumapaw po ang aking pasasalamat para sa hindi natitinag na tiwala at suporta ninyo aking mga kababayan sa ating kakayahan at mga ipinaglalaban,” sabi ni Go.

Kabilang sa mga pangunahing inisyatiba na ikinampeon ni Go ay ang institusyonalisasyon ng Malasakit Centers program.

Sa ngayon ay may 167 Malasakit Centers ang nakakalat sa buong bansa at nakatulong na sa mahigit 17 milyong Pilipino sa kanilang medical expenses, batay sa datos ng Department of Health (DOH).