Advertisers

Advertisers

Eala muling umangat ang WTA rankings

0 3

Advertisers

Filipino tennis sensation Alex Eala muling umangat mula sa 72nd ang bagong career-best 70th sa huling WTA rankings na inilabas nitong Lunes.

Huling sumabak si Eala sa Madrid Open dalawang Linggo ang nakaraan nang talunin ang world No.64 (ngayon 61st) Viktoriya Tomova ng Bulgaria sa kanilang laban, 6-3, 6-2.

Ang laro na iyon ay napaka importante para sa 19-year-old sa rankings kung saan siya ang naging pinakabatang Asian sa top 70 at pangalawa na pinakabata sa mundo.



Ang pinakabata ay ang 18-year-old Mirra Andreeva ng Russia na nakaupo sa no. 7.

Sa parehong Madrid Open, yumuko si Eala sa world No.2 Iga Swiatek ng Poland sa kanilang rematch, 6-4, 4-6, 2-6, sa round of 64.

Ngayon, muling aapak si Eala sa clay court kapag nakaharap ang world No.27 Marta Kostyuk ng Ukraine sa round of 128 ng Italian Open sa Miyerkules.