Advertisers

Advertisers

Kobe, Mavy at Miguel tatlong ex na pawang nasaktan ni Kyline?

0 2

Advertisers

Ni Juliet Q. Pacot

DOBLE-sakit ang dinaranas ngayon ng batikang aktres na si Jackielou Blanco dahil sa magkasunod na pagpanaw ng dalawang mahal niya sa buhay, una ang inang si Pilita Corrales at ngayon ang dating asawang si Ricky Davao na pumanaw dahil sa kanser sa edad na 63 nitong Biyernes lamang.

Ilang taon na silang hiwalay ni Ricky pero alam natin na mahal pa rin ni Jackielou ang dating mister kung saan may tatlong anak itong naulila sa kanya.



Pilit man nating iwasan ang intriga sa naging relasyon ng dating mag-asawa, bilang respeto na rin sa namayapang batikang aktor ay may naiwan pa ring ilang katanungan sa mga tagahanga ni Ricky.

Pagkatapos pala ng relasyon nila ni Jackielou ay may naging girlfriend ang aktor. Ang girl din kaya ang dahilan ng kanilang hiwalayan noon?

At ano kaya ang reaction ng aktres sa naging post ng current gf ni Ricky na ipinagsigawan sa buong mundo kung gaano niya kamahal ang namayapang aktor na tila siya pa ang naging karamay habang nakikipaglaban sa banig ng karamdaman, kumpara kay Jackielou na siyang tunay na asawa pero hindi naalagaan ang aktor habang maysakit ito?

Ito ang madamdaming mensahe ng girlfriend ni Ricky sa pagkamatay ng beteranong aktor.

“You were the bravest and strongest person I have ever known. From the very beginning up to your last breath, I saw how fiercely you fought. ??



Ayon kay Malca, tama ang kanyang naging desisyon na manatili sa piling ni Ricky sa buong pakikipaglaban nito sa sakit.

“I didn’t fully believe in the idea of unconditional love. But loving you changed that. Through you, I discovered a deeper part of myself—a part capable of doing anything and everything because of love. Because of my love for you. ??

“I have to admit now… I lied when I told you I’d be okay. I lied when I said I’d be strong. Because the truth is, life doesn’t feel right without you. ?? There’s an emptiness now that nothing can fill. And I miss you more than words will ever be able to express,” mensahe pa nito sa kanyang Instagram account.

Noong 2023 ay ipinakilala ni Ricky sa publiko ang kanyang girlfriend na si ‘Malca’ matapos ang mahigit isang taon nilang pagsasama.

***

BATTERED boyfriend nga ba si Kobe Paras ng aktres na si Kyline Alcantara kaya walang tigil ang pagkukuda ng inang si Jackie Forster?

Isyu ngayon kay Kyline na may pattern nga ito ng pananakit?

Tinalakay ito ng isang tsikadora sa kanyang latest ‘Showbiz Update’ kung saan binanggit nito ang naging pahayag ni Jackie Forster na pisikal na sinaktan ni Kyline ang anak niyang si Kobe.

Ganito rin ang akusasyon ng ilang netizen batay sa mga naglabasan sa social media.

Minsan na ring naging isyu ang umano’y pananakit ni Kyline nang magkahiwalay sila ni Mavy Legaspi.

“Sino raw ba sa showbiz ang naging boyfriend ni Kyline? Si Mavy. Kung matatandaan mo, Loi, ‘di ba? Parang si Carmina noon ay may mga cryptic posts tungkol daw rito kay Kyline,” sey pa ng baklang tsikadora.

Bukod dito, lumutang na rin ang isyu na diumano’y nakaranas din pananakit si Miguel Tanfelix nang maging sila ni Kyline.

Kung totoo man itong mga paratang na ito, ang suwerte ni Kyline dahil wala siyang nami-meet na ginagantihan siya.

Samantala, may ideya na rin umano kung ano ang sinasabing ebidensya na pwede pang ilabas ni Jackie.

Pinalalabas pa raw ng girl na napakasalbahe ni Kobe kaya ito iniwan ni Kyline.