Advertisers

Advertisers

Letran winalis ang San Sebastian

0 3

Advertisers

WINALIS ng Colegio de San Juan de Letran ang San Sebastian College-Recoletos, 25-21, 25-22, 25-23, sa NCAA Season 100 women’s volleyball Martes sa FilOil EcoOil Centre.

Ang Lady Knights, na muntik lang nasayang ang malaking lamang sa final frame, ay nakamit ang kanilang ika-anim sunod-sunod na tagumpay para umangat sa 12-2 habang ang Lady Stags ay nadulas sa 7-7 card.

Pinamunuan ni rookie outside spiker Vanessa Sarie ang opensiba ng lady knights sa iniskor na 17 points, 12 digs at 12 receptions habang opposite hitter Judiel Nitura nagtala ng 15 markers built on 11 attacks,three aces, at one block.



Gia Maquilang nagdagdag ng 11 markers habang middle blocker Marjorie Napal bumakas ng anim na puntos.