Advertisers

Advertisers

MAYOR ALONG MALAPITAN AT TEAM AKSYON AT MALASAKIT, ININDORSO NG IGLESIA NI CRISTO

0 15

Advertisers

Natanggap na ni Caloocan City Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan ang basbas at pag-endorso ng Iglesia Ni Cristo (INC) sa kanyang muling kandidatura bilang Mayor ng Caloocan.

Ayon sa isang mapagkakatiwalaang source, ang napapanahong pag-endorso ng INC kay Malapitan at sa kanyang line-up ay natanggap nila nitong nakaraang linggo, ilang araw bago ang 2025 Midterm Elections.

Inaasahan na mas palalakasin pa ng pag-endorso ng INC ang kampanya ni Malapitan bilang Mayor ng Caloocan na nauna nang napanatili sa mga pre-election survey ang kanyang malakas na pangunguna laban sa ibang mga kandidato kung saan kabilang ang kaniyang katunggaling si dating Senador Antonio Trillanes IV.



Batay sa huling survey na isinagawa nitong Abril, higit sa 82 porsiyento ng mga taga-Caloocan ang pinili ang pamumuno ni Malapitan, kumpara sa 14 porsiyento na nakuha ni Trillanes.

Kabilang din sa mga inendorso ng INC sa Caloocan ay ang running mate ni Malapitan na si Vice Mayor Karina Teh-Limsico, at 20 iba pang mga kandidato mula sa kanilang local election slate na Team Aksyon at Malasakit.(BR)