Advertisers
DADALHIN ng karamihan ng mga Gobernador sa ilalim ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), Northern at South Central Mindanao, at Zamboanga del Norte province si LAKAS-CMD senatorial candidate Erwin Tulfo sa kanilang senatorial lineup para sa May 12 elections na gaganapin sa darating na Lunes na.
Ayon kay Sultan Kudarat Gov. Pax Ali Mangudadatu, maraming naitulong umano si Cong. Tulfo sa Mindanao lalo na noong ito ay Kalihim pa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
“Hindi na kailangan tawagan o lapitan siya. Siya na mismo ang pupunta at maghahatid ng tulong dito sa amin sa panahon ng kalamidad,” ani ng Gobernador ng lalawigan na nasa ilalim ng SOCCSKSARGEN region.
Dagdag pa ng batang Mangudadatu, “dadalhin din siya ng aking ina sa Maguindanao dahil hindi niya makalimutan si Sec. Tulfo na unang mga tumawag para tanungin kung ano ang kailangan ng taga-Maguindanao noong kasagsagan pa ng bagyo at landslide”.
Si Gov. Mariam Mangudadatu ang Gobernador ng Maguindanao del Sur.
Samantala, buo rin ang pag-endorso ni Sulu Governor Abdusakar Tan kay Tulfo, at sinabing “Hindi matawaran ang pagtulong ni Sec. Tulfo sa amin dito sa Sulu Province kahit walang bagyo,” ani Gov. Tan.
“Dito nadestino tatay niya noon at ilang kapatid niya ipinanganak dito kaya ganyan na lang kalapit siya sa amin,” dagdag pa ni Tan.
Para naman kay Dipolog City Mayor Roberto Uy, na ngayo’y tumatakbong Gobernador ng lalawigan ng Zamboanga del Norte, malaking maitutulong daw ni Tulfo sa Mindanao.
“Naniniwala ako na kapag naging senador yan, hindi na maiiwan ang Mindanao sa mga developments,” ayon kay Uy.
“Laking Maynila at Palawan siya pero malapit ang puso nya sa Mindanao dahil dito matagal nadestino ang tatay at nanay nya na mula sa Davao Oriental,” dagdag pa niya.
Nauna nang ininderso ng mga lider ng Misamis Oriental at Misamis Occidental si Tulfo at mga kasamahan sa Alyansa para sa Bagong Pilipinas noong nakaraang buwan pa.