Advertisers

Advertisers

PAG-ENDORSO NINA VP SARA AT SENATOR IMEE KAY YORME, KABAWASAN SA BOTO NG MGA MANILENYO

0 4

Advertisers

Nakasama pa umano ang pagkaka-endorsong ginawa nina VP Sara at Senator Imee Marcos kay YorMe Isko Moreno bilang Alkalde ng lungsod ng Maynila kamakailan.

Marami ang nagsasabi kabilang na ang ilan political expert na malayo at ugandong mananalo si Isko kahit na walang endorso kina VP Sara at Senator Marcos.

Dahil anila sa PAG-ENDORSO sa kanya, maraming Manilenyo umano ang nagdalawang-isip kung siya pa rin ang iha-halal na Alkalde sa nalalapit na Midterm election.



Ito daw ang pinakamalaking kalokohan at desisyong ginawa ni Moreno sa kanyang buhay at political career.

Halatang-halata nga naman na ginamit lang siya ng dalawang ito upang umigting at dumami pa ang mga DUTERTE supporters hindi lang sa timog kundi maging hanggang Maynila.

Alam naman niyang negatibo at badshot sa Maynila at maging sa buong National Capital Region (NCR) ang mga DUTERTE at mga kaalyado nito.

Dapat sana ay wala siyang katalo-talo at liyamadong-liyamado sa Mayoralty race sa Maynila na kung saan kahit pagsamasamahin ang mga BOTO ng kanyang mga katunggali ay siya pa rin ang lamang.

Ngunit sa ginawa umano niyang ito ay halos kalahati daw ng kanyang mga botante ang bumaligtad at pinaniniwalaang lumipat sa kabilang kampo.



Sana anila ay nanatili na lang siyang indibiduwal at hindi na sana umasa sa sinuman particular na sa larangan ng kanyang makinarya at political career.

Kung tutuusin daw ay maski na ang kanyang mga endorser na sina VP Sara at Sen. Imee ay hindi mananalo laban sa kanya kung pagka Alkalde lang ng Maynila.

Di hamak na mas lamang,mas angat siya sa grupo kung sa mga ito lang at lalong-lalo na sa popularidad.

Mantakin mong naging Presidential aspirant ka noong lumipaa na Presidential election noong 2022.Eh sobrang taas ng grupo ang iyong binuno at nilabanan,di po ba?

Sobrang obvious naman na ginamit ka lang ng mga ito dahil sa kanilang political career at sariling interest lalo na sa mga bumabatikos sa kanila kabilang na ang kasalukuyang administrasyon at ilan mga Congressman.

Sipat na sipat naman na masyadong pinepersonal ng iyong mga endorser ang administrasyon ni PBBM dahil sa aksiyong ginawa nito hinggil sa pagkaaresto ng International Criminal Court(ICC) kay FPRRD kamakailan.

Mas lalo pang maliwanag pa sa sikat ng araw ang buweltang ginawa umano ni VP Sara particular na sa taking Congressman ng Maynila na sinasabing nagsulong ng impeachment case laban sa kanya.

Ang nangyaring panlalait laban sa mga Mambabatas ay lumabas mismo sa kanyang mga bibig sa kanyang talumpati na ginanap mismo sa caucus ni Yor-Me sa Maynila na kung saan siya ang pina-kilalang panauhing-pandangal.

Ano man ang maging resulta sa mid-term election,wagi man o’ bigo,wala kang dapat sisihin kundi ang sarili mo dahil sinuportahan ka naman at minahal ng mga MANILENYO, tama po ba Yor-Me?