Advertisers

Advertisers

TODA Federation ng Metro Manila suportado suspensyon sa Move It! nanawagan ng dayalogo sa DOTr

0 19

Advertisers

Nanawagan ang mga tricycle federation sa buong Metro Manila sa Department of Transportation ng isang dayalogo para tulungan silang makipag-usap sa mga higanteng Moto Taxi Companies na magsagawa ng isang panuntunan na hindi naman sila mawawalan ng kita.

Nais nilang magkaraoon ng kasunduan sa mga Moto Taxi kung saan hanggang terminal lang sana ng mga tricycle ang kanilang pick up at drop off nang sagayon ay hindi naman sila tuluyang mawalan ng pinagkakakitaan.

Kasabay nito ay suportado rin ng nasabing samahan ang patas na pagpapatupad ng mga alituntunin sa sektor ng pampublikong transportasyon.



Giit ni Malabon TODA Federation president Rogelio Ciudadsno, lumalabag umano ang kumpanya ng Move It sa itinakdang limitasyon ng motorcycle taxi pilot program matapos mag-deploy ng mahigit 14,000 units—lampas sa 6,836 na aprubado ng LTFRB.

Babala ng grupo, kung ang malalaking kumpanya ay palulusutin, nawawalan ng saysay ang regulasyon.

Araw-araw umano’y nararamdaman ng mga lehitimong drayber ang epekto—matinding trapik, disgrasya, at nawawalang kita.

Huwag daw gamiting dahilan ang mga rider sa gitna ng pag-abuso ng kanilang pamunuan. Anila, ang mga drayber ay biktima rin ng sistemang hindi patas.

Sabay-sabay na nanawagan ang FENTODA Navotas, FEDPATODA Parañaque, Taguig TODA, Caloocan TODA, TODA 1 Manila Fed, Pateros Fed at iba pa kay DOTR Secretary Vince Dizon na panindigan ang batas at itaguyod ang patas at ligtas na transportasyon para sa lahat.