Advertisers

Advertisers

Vice Mayoral candidate Pablo ‘Chikee’ Ocampo, nagpahayag ng plataporma de gobyerno

0 3

Advertisers

Naging panauhin si Vice Mayoral candidate Pablo ‘Chikee’ Ocampo sa isinagawang Meet the Press ng National Press Club, nitong Martes ng umaga, Mayo 6, 2025.
Ipinahayag ni Ocampo ang kanyang mga plataporma de gobyerno sa naturang forum.

Aniya, nais niyang bigyang prioridad ang mga matatanda sa lungsod ng Maynila lalo na ang mga inabandona ng kani-kanilang mga anak. Nais ni Chikee na maglagay home for the aged na may mga nurse at doctor na graduate ng PLM na siyang aasiste para matungunan ang kanilang kalagayan.

Sa gitna ng mga hamon ng urbanisasyon, hindi nakalilimot si Ocampo, dating konsehal at kasalukuyang kandidato para sa pagka-bise alkalde ng Maynila, sa mga nakatatandang Manilenyo na naninirahan sa kalsada.



Ang plano ni Ocampo, hindi lamang isang proyekto ng pabahay, isa itong hakbang patungo sa isang makatawid na pamumuhay para sa mga nakatatanda.

Naniniwala si Ocampo, na ang mga nalulong sa droga hindi kriminal kung hindi mga biktima ng kalagayan kaya nais niyang makipagtulungan sa Dept. of Health para magkaroon ng maayos na rehabilitation ang lungsod ng Maynila.

Ayon kay Ocampo, bilang mga lingkod-bayan, hindi dapat ikahiya ang humingi ng tulong lalo na kung ito’y para sa ikabubuti ng marami at lalo ng ng kanyang mga constiutent.

Plano niyang makipagtulungan sa mga pribadong sektor at stakeholder sa Maynila upang makapaghatid ng mas maraming oportunidad sa kabuhayan at trabaho.

Naniniwala si Ocampo na sa pagtutulungan ng pamahalaan at ng mga malalaking kumpanya, mas maunlad at mas masigla ang magiging kinabukasan ng lungsod.



Aayusin din ni Ocampo ang lahat ng pampublikong ospital sa Maynila dahil nais niyang hindi magiging masakitin ang bawat Manilenyo. Magkakaroon ng maayos na kagamitan, gamot at lalo na mga doktor na titingin sa mga may sakit. At walang magiging gastusin ang mga magpapatingin dito.

Bibigyan din ni Vice Mayor Ocampo ang mga vendors ng tama at maayos na lugar ng kanilang pagtitindahan.