Advertisers
DISMAYADO si dating national athlete, actor turned public servant Monsour del Rosario sa kasalukuyang mababang estado sa larangan ng sports ng dating powerhouse Makati City.
Noon kasing Konsehal siya ng lungsod hanggang naging District Representative sa House of Congress ay ang taas ng antas ng palakasan ng mahal niyang Makati partikular sa kanyang. constituents na kabataang Makateños na todo niyang sinuportahan noon dahil first love niya ang larangang nag-ukit sa kanya ng pangalan at nabigyan naman niya ng karangalan di lang ang Makati kundi ang bansa na rin.
“ Noon kasi ay kinasisindakan ang Makati City sa malalaking torneo sa NCR hanggang sa national level
“Alam ko kasi ang likaw ng sports dahil dati akong atleta ng bansa kaya prayoridad kong suportahan ang mga potensyal na kabataan na may ambisyong magtagumpay at maging tanyag na atleta sa hinaharap.Mabisa rin itong paraan para hindi sila malulong sa masamang bisyo kaya ang ating mga Makati youth sports enthusiasts noon ay may magagandang buhay sa kasalukuyan dahil naging pundasyon nila ang sports sa kanilang buhay kaagapay ang inyong lingkod”, wika ng Olympian, World at Asian champion noong si Monsour.
Aniya kapag inihalal siyang muli bilang Vice Mayor sa tiket ni winning Mayor Nancy Binay ay titiyakin niyang dì na mamatahin o iismolin ang Makati City ng mga katunggali sa mga sports competition dahil kanyang ikakasa agad ang comprehensive program para sa mga atleta ng lungsod.
“ Saan napunta ang malaking pondo ng Makati City?” tanong nya,
Simbilis daw ng KIDlat ang pagbulsa ng salaping hindi nam an kanila na sana sy nailaan sa mga prayoridad na programa di lang pang-sports kundi pampamilya,kabataan,adults , workers,PWD’s ,seniors atbp.
Kaya kayong taga- Makati, ilan tulog na lang ,isaisip lagi VM to be MONSOUR for sure,Mayor ( na si) NANCY!
Gibain ang KAMPO ng mga makati ang kamay at balaKID sa progreso ng Makati City, di ba Ka Dennis Cerdeña?…ABANGAN!!!