Advertisers

Advertisers

“BASTUSAN” SA BUSTOS

0 6,032

Advertisers

“PUMAPALO” sa mahigit 50 libo ang mga rehistradong botante sa Bustos, Bulacan. Kabilang na yata dito ang ilang kaibigan na kasama sa mga inaasintang mabili ng isang angkan na may operasyong kasindulas ng hito at kasinlansa ng tilapia.

Aba’y para bagang mga ‘Mafiosi’ ang pinaiiral na diskarte. Sa nakalap natin, naglaan ng panimulang puhunan, mahigit P100,000 o P2,000 bawat boto.para “malambat” ng angkan ang pinagnanasaang puwesto’t poder sa lokal na gobyerno. Kasama kaya sa “kamada” ang Kapitolyo ng Bulacan?

Magmamaktol naman sa ganyang ‘price tag’ ang mga taga-Samar, na P8k hanggang P15k ang presyo ng boto.



Dahil hindi naman pala aabot sa milyones ang gagastusin para mahimok ng pera ang mga botante ng Bustos, nangako ang ‘Bustos Big Four’ na bago ang eleksyon sa Mayo 12, “magdadagdag” pa (daw) sila sa ‘down payment’ na P2k bawat boto, wow!

Masyado namang “garapalan” ang paraan para magwagi, hind ba, COMELEC Chairman George Erwin Garcia? “Talipapa” o “Palengke” ang turing ng Bustos Big Four sa mga botante.

Sabagay, madaling bawiin mula sa ‘internal revenue allocation’ ng Bustos ang ipinuhunan. Ang kapalit niyon? Pindeho ang mga proyektong pambayan!

Tinutustusan ng Bustos Dam ang patubig sa ilang libong ektarya ng palayan sa Bulacan at ilang kanugnog na mga taniman. At malaking bahagi ng tubig mula dito ang itinutustos naman sa Metro Manila. Hmm. sa “katiting” na halaga, talagang “binabarat” ang botong mahalaga.

Isang civil engineer mula Bustos ang nagtindig ng irrigation system ng bansang Nepal– at ang naturang proyekto ang naging susi upang umani ng milyones ang Nepal sa kanilang sakahan.



Malaking insulto sa alaala ng dakilang inhinyero ng Bustos ang estilo nitong mga dayukdok sa poder na Bustos Big Four.