Advertisers

Advertisers

Hindi lahat ng kumikinang ay ginto, bakit hindi na dapat iboto si Vico Sotto?

0 35

Advertisers

Sa Pag-aakala ng mga Pasigueno ay nakahukay na sila ng “Mina ng Ginto” na siyang magpapaangat ng kanilang pamumuhay, dapat sigurong pagisipan nilang mabuti ang kanilang kalagayan sa pamumuno ni Mayor Vico Sotto na dalawang termino ng nakaupo suma total 6 na taong hindi ramdam ang pagasenso ng Lungsod.

Parang replay na lang mga Pasigueno, noong unang pagtakbo ni mayor Sotto taong 2019 ang salitang “Pagbabago” ang naging sandata nito para mapaniwala niya ang mamamayan ng Pasig, kaya eto na naman eleksiyon at muli ang kanyang Golden word ang gamit pang uuto, Isang salitang paulit-ulit na naririnig ng taumbayan “Pagbabago” Sa Pasig meron nga ba?

Naging makapangyarihang mensahe ito, na tila isang 24 carats na ginto na super kinang yun pala ay tanso na muling pinaniwalaan taong 2022 ng marami sa sinabing bagong liderato kung saan magdadala ng bagong sistema—pantay, tapat, at makatao. Ngunit pagkalipas ng ilang taon, isa-isang lumitaw ang mga tanong na hindi sinasagot, mga isyung hindi nililinaw, at mga taong hindi pinapanagot, yan ang simula ng pangingitim ng ginto.



Hanggang sa ngayon mga Ka Usapang HAUZ eleksiyon na naman ang mga katanungan ng mga Pasigueno na hindi man lang sinasagot ni Mayor Sotto tulad ng mga sumusunod,

Ano na ang nangyari sa tablet at laptop project ni Valerie? Bakit wala pang linaw sa drone at COVID supplies issue ni Bryant Wong? Bakit tila walang direksyon ang procurement process sa ilalim ni Jo Lati, habang ramdam ng bawat departamento ang kakulangan ng kagamitan at ang kabagalan ng serbisyo? Yan ba ang Pagbabago gising Pasigueno.

Eto pa ni Ha ni Ho walang imik at walang paliwanag si Mayor Vico hinggil kay Jeron Manzanero ang tanong bakit nananatiling tahimik sa mga paratang ng pagtanggap ng condo mula sa developers at benepisyo mula sa garbage contractors? Ilang taon na ang lumipas pero ni isang paliwanag, sa Media o imbestigasyon ay wala.

Kasama sa pangako nitong nagdaang taon 2022, ipinangakong aayusin ang lahat gamit ang bagong data system. Pero ang resulta: mas mabagal pa sa pagong ang serbisyo, mas mahirap kumuha ng permit, mas magulo ang ayuda. Ang ipinangakong modernisasyon, naging teknolohikal na palusot, mabilis pagkakilala, ayan ba ang pagbabago?

Nito lang nakalipas na linggo, may bagong pumutok na isyu iyong theft case laban kay SKP Keil Custillas, buti na lang nasagot ang katanungan ng Pasigueno, hindi si mayor Vico ang sumagot kundi si Custillas, subalit ang nakapagtataka parang pinagtatakpan pa ang Notice of Disallowance ni Patty Torres. Ngunit gaya ng nakagawian, tikom ang bibig ng lahat. Wala ni isang opisyal ang nagsalita. Wala ring paliwanag sa taumbayan, hindi rin nagsalita na kahit salitang no comment si mayor.



Kung talagang walang tinatago itong si Mayor Vico Sotto ang ginawang paghamon sa kanya nitong si Engr. Lao na magkaroon ng Audit sa New City Hall building na tumataginting na P9.7B ang halaga kung saan tahasang sinabi nito na haharap siya kahit sinong opisyal ng COA Commission on Audit at ipaliliwanag na aabot lang sa P3.7B lang ang tunay na halaga ng gusali, handa rin si Engr. Lao na magpakulong sakaling mali ang kanyang sinasabi.

Sa tutuo lang ang tunay na problema? Katahimikan, Hindi ang klase ng katahimikang bunga ng kaayusan, kundi katahimikang bunga ng takot, ng pagtakip, at ng kawalan ng transparency at accountability. Sa lungsod kung saan ipinangako ang reporma, tila hindi na uso ang pananagutan.

Ang pagbabago ay hindi nagsisimula sa makukulay na adbokasiya o malalaking proyekto. Nagsisimula ito sa simpleng prinsipyo: managot kung may pagkukulang, magsalita kung may tanong, at magpaliwanag kung may duda.

Panawagan ito sa lokal na pamahalaan ng Pasig: magsalita na kayo. Ibigay ang katotohanan. Buksan ang imbestigasyon. Ipakita na hindi kayo takot sa linaw.

Sana magising na sa katotohanan ang mamamayan ng Pasig sa matamis at malagintong pangakong pagbabago ni Mayor Vico Sotto, suka sa tagalog at vinegar sa ingles ang katapat ng nagpapanggap na ginto kung saan dapat ng patakan ng taong bayan para lumabas ang tunay na kulay, ang sabi sa kasabihan “Hindi lahat ng Kumikinang ay Ginto” huwag ng iboto ang pekeng ginto.

***

Para sa Inyong Puri at Puna maaaring mag email sa cesarbarquilla2014@yahoo.com o tumawag or mag text sa 09352916036