Advertisers

Advertisers

JUDAS 5 BINIGYAN NG 10 ARAW NG OMBUDSMAN!

0 4

Advertisers

Pinapasagot ng Office of the Ombudsman ang ilang mga government officials sa inihaing reklamo ni Senator Imee Marcos na kumukuwestiyon sa pag-aresto at paglipat sa International Criminal Court ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang mga opisyal ay pinangungunahan ni Justice Secretary Jesus Remulla, Interior Sec. Jonvic Remulla, Philippine National Police (PNP) chief Gen. Rommel Marbil, PNP Criminal Investigation and Detection Group chief Nicolas Torre III at Special Envoy for Transnational Crimes Markus Lacanilao.

Ayon sa Ombudsman na dapat sa loob ng 10 araw ay maisumite ng mga nasabing opisyal ang kanilang kasagutan.



Sakaling bigo ang mga ito na magsumite ng kanilang kasagutan ay agad na sisimulan nila ang preliminary investigation.

Magugunitang noong Mayo 2 nang isinumite ni Sen.Imee Marcos sa Ombudsman ang kopya ng committee report.

Una na natin isinulat sa pitak na ito na di nababahala ang tinaguriang JUDAS 5 sa isasampang kaso laban sa kanila ng sino man,maging ito man ay independent branch of government na SENADO na nasa ilalim ng komite ni Senator Imee Marcos.

Matibay ang mukha at hiya ng JUDAS 5 na patuloy nilang mapaglalaruan ang batas dito sa bansa habang si Ferdinand Marcos Jr. pa rin ang inutil na nakaupong Pangulo.

Sa paningin ng JUDAS 5,sila ang batas at naghaharing lahi sa bansang ito.



Walang sino man ang puwedeng pumigil sa kanilang paghahari at pang- aabuso!

Kayang- kaya nilang baluktutin at paikutin ang batas.

Sabi nga ng Remulla brothers…

” what are we in power for”? Hangga’t si Kuya Bondying ang hari sa DOJ at habang si Juan Victor ang nasa DILG,they can do what ever they want!

Ang yabang pa nga ni Jonvic Remulla na magyabang sa isang campaign rally ng mga SENATORIAL candidates ng Team Bagoong Pilipinas sa lalawigan ng Cavite.

Ipinagmalaki nito ang isang bilyong pisong ayuda (Php 1B) bitbit ng isa pang ulol na si Speaker Martin Romualdez para sa mga botanteng Caviteños.

Sobrang baba naman ng tingin nitong si Jonvic Remulla sa kanyang mga kababayang Caviteños.

Excuse me Jonvic bossing ,hindi lahat ng tao ay katulad mong pinaglihi sa pera.

Ang mga Caviteños ay likas na may dangal na pinapahalagahan at prinsipyong pinakaiingatan.

Antayin mo na lamang langit ang humusga at magpaalala sa inyong magkapatid.

Again Sec.Jonvic Remulla sir, hindi patay- gutom ang mga Caviteños para mataranta at mabaliw sa isang bilyong pisong ayuda na ipinagyayabang at ipinagsisigawan mo.

Saan ba galing ang isang bilyong pisong ‘ yan?

Bigyan mo naman ng konting dignidad, respeto at kahihiyan ang iyong mga kababayang nagkamali ng pagkakakilala sa tunay mong pagkatao.

LIFE IS NOT ALL ABOUT MONEY & POWER Mr.Secretary Jonvic sir!

Di mo madadala sa hukay ang mga ‘yan!

***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com