Advertisers

Advertisers

P20/K NG BIGAS BARIL NA ITINUTOK KAY PBBM

0 1,961

Advertisers

Mahusay na inilahad na maibaba ang presyo ng bigas sa P20/K at tila nabulag ang maraming Pinoy sa pahayag na naglagay kay PBBM sa puno ng Balite sa Malacanan. Mahaba-haba na ang panahong lumipas subalit patuloy na inaantabayanan ng bayan ang pagbaba ng presyo ng bigas sa presyong pangako. Sa pagsisikap ng pamahalaan, ang pangako’y tila natupad sa ilang lugar sa bansa, higit sa kaBisayaan na may nasilip na P20/K ng bigas. Sa pagsasaliksik sala ang pansamantalang pagpapababa ng presyo ng bigas sa dahilang hungkag ang saligan. At nasisiguro na ‘di magtutuloy tuloy sa halagang bangit sa kawalan batayan ng kung iba-bangga sa nagaganap sa maraming sakahan sa bansa. Sa kabilang banda, ang pagpapatuloy ng presyo sa P20/K patuloy na mababaon ang pamahalaan sa pagkakautang kung ipapatupad ang presyong bangit sa buong kapuluan ng bansa.

Sa totoo lang sala ang payo kay PBBM na mapapababa ang presyo ng bigas sa dahilang ang “farm gate price” ng palay ay P17/K na napakalapit sa presyong ipinasabi kay PBBM. Sa paglilinang ng palay nariyan ang karagdagang gastusin na magpapataas ng halaga ng butil na sala sa bangit na bentahan sa merkado. Ang payong walang basihan ang pasanin ng pamahalaan sa paniningil ng bayan sa pangakong binitiwan. At sa pagsisikap na maisagawa ang pagbaba ng presyo ng bigas sa P20/K, sinubukan sa kaBisayaan na kung maaaring gawin sa mas malaking pamayanan o pambansa. Sa kaganapan, hindi kakayanin ng pamahalaan ang pangmatagalan at malawak na pagpapatupad ng bangit na halaga dahil sadyang ‘di kakayanin ng pondo ang pangmatagalang pagpapaganap ng P20/K na bigas.

Sa isang balitaan, nabatid na may kahirapang mag-tuloy tuloy ang pagpapatupad ng halaga ng bigas sa P20/K. Tulad ng bangit sa itaas ang presyo na P17/K ang farm gate at may karagdagan gastusin tulad ng pagpapakiskis, pagpapahakot at transportasyon patungo sa mga pamilihan, sa kabuuan aabutin sa P34/K ang gastusin na malayo sa halaga sa ipinayo sa pangulo. Hindi pa kasama ang mga SOP sa dadaanang mga check-point na kailangan mag-abot o magbaba ng produkto upang makalusot ng may mabilis. Sa mga karagdagang gastos, kanino ipapatong at sino ang babalikat, hindi si PBBM at hindi ang nagpayo, at malamang ang tulad ni Mang Juan na ‘di makaranas ng kalinga sa mga opisyal ng bayan.



Sa isang survey na inilabas, ibig ng mga Pinoy na tumatag ang seguridad sa pagkain na magseseguro na hindi magkukulang ang ihahain sa hapag ng bawat pamilya. Ang survey, ibig ng 47% ng Pinoy ang matatag na pantustos o supply, sa kakanin na larawan ng pag-aalangan ng bayan sa kalagayan ng makakain sa bansa. Sa karanasam, ang kaganapan sa bansa sa panahon ng pandemya ang ‘di na dapat maganap na ang bansa’y sumandig sa ibang bansa sa panggagalingan sa bigas at nabalam ang pagdating ng butil dahil sa parehong kaganapan, ang pandemya.

At sa binitawang pangako sa halalan ng ’22 ni PBBM. hindi nawawalan ng pag-asa si Mang Juan at handang humarap sa hamon na ang ‘di nakamit sa nakaraa’y maaring makamit sa hinaharap. Sa pagharap sa hamon ng seguridad sa pagkain, ang pagpapalakas sa sektor ng agrikultura ang hakbang na kailangang isulong ng pamahalaan. Ang mapalakas ang sektor higit ang mga magsasaka, ang unahin at bigyan ng kaukulang ayuda na magpapatatag sa produksyon ng palay, gulay at maging ang manukan at babuyan, Ang matatag na sektor ang hakbang na inasahan sa pamahalaan na siyang inaasahan ni Mang Juan higit sa matatapos na halalan.Tanggap na ‘di posible ang P20/K ng bigas subalit ang mapatatag ang pinanggagalingan ng mga produktong agrikultura ang inaasahan higit sa panahon na nagpapalit palit ang klima ng mundo. Sa totoo lang, mainam na masiguro na hindi kakapusin sa pangangailangan ang bansa sa pagkain. Ang pagpapatatag sa sektor ng agrikultura ang isulong sa pagtitiyak sa pangangailangan sa hinaharap.

Sa totoo lang, hindi lang ang katatagan ng pangangailangan sa pagkain ang usapin, kakawing ang usapin na kaya ba ni Mang Juan ang halaga ng mga produkto. Sa usapin bangit likas na kaakibat ang halaga o presyo ng bilihin higit ang pagkain. Malinaw kay Mang Juan na kailangan na may pambili na maitustos sa pangangailangan. Ang katatagan sa presyong kaya ng Pinoy at ang sahod na tinatanggap ang pangunahing bigyan pansin na kailangang galawan ng pamahalaan. Ang sapat na supply at ang kakayanan na bumili ni Mang Juan ng pangangailangan ang dapat pagbangain ng matiyak na ‘di lalayo ang makakain sa pantustos ni Mang Juan.

Sa katunayan, kailangan ng pamahalaan na pag-ibayuhin ang pagkalap ng mga datos na nagpapalakas sa programa sa agrikultura. Sa isang pulong balitaan, nabanggit ng isang panauhin ang kailangan ng mga datos sa agrikultura na dapat saligan ng mga hakbang o kilos sa hinaharap. Ang kakulangan ng mga datos sa pangangailangan ng sektor na bangit ang nagpapabansot sa kilos na paghahanda na dapat kilalanin ng pamahalaan. Ang alamin at magpababa ng mga tauhan ang pamahalaan ang gawin ng matiyak ang programang dapat ipatupad sa pansakahan. Malawak ang dapat gawin subalit ang magsimula sa pangangalap mga datos na mula sa mga nagpapatupad ng programa o nagsasagawa ng kabuhayan sa baba.

Malalim ang usapin higit umaabot sa sikmura ng bawat Pinoy na may kadalasang lumiliban sa hapag na pagsasaluhan. Ang komprehensibong pag-aayos ng programa sa agrikultura’y kailangan at magsimula sa pagkalap ng datos na maggigiya sa hakbang na gagawin. Kung kailangan maglabo sa gagawin dapat gawin ng makita ang matining na resulta na magdadala sa tamang hakbang para sa matatag na seguridad sa pagkain. Ang datos na makakalap ang basehan ng komprehensibong programa na mailalatag ng masiguro ang programang kailangan ng bayan.



Sa dulo ng laban, ang usaping agrikultura ang tunay na usaping bayan na nakahain sa mga hapag ng pamilyang Pinoy. Ang masiguro na ang programang ibababa’y siyang programa na nagmula sa tunay na kalahok na sektor. Mahalaga ang sektor ng agrikultura higit sa panahon na papalit palit ang klima sa mundo, ang masiguro ang programa higit ang mga polisiya na ipapatupad ang gawin ayon sa paglalahad ng mga taong nagpapatupad. Di’ tulad ng payong ibinato kay PBBM na tila baril na itinutok sa ulo na uutas sa paninilbihan sa pamahalaan. Ganap na sala ang payo sa presyong P20/K ng bigas na tila baril na itinutok ng mangmang ng kaTimugan kay PBBM.

Maraming Salamat po!!!!