Advertisers
CONGRATS po sa 50th Anniversary ng top professional league sa Pinas na PHILIPPINE BASKETBALL ASSOCIATION (PBA) ngayong 2025, unang kumislap sa Sports field taong 1975, humubog, nagpakilala at nagtanghal ng legendary cagers sa bansa. Patuloy na iniidolo at tinutularan ng mga batang basketbolista ang PBA legendary icons mula sa kinaharap na pagsubok at hamon ng liga na patuloy rin ang pagbida sa hardcourt. Saludo sa management now spearheaded by Commissioner WILLY MARCIAL na pinatitingkad ng history ng veterans at rookies sa hanay ng cagers. Obviously, mas tumitibay sa golden year, more power, PBA!
NCAA FUNRUN, BUMIDA
DINUMOG ng malaking crowd mula sa participating runners ng mga miyembrong unibersidad ang NATIONAL COLLEGIATE ATHLETIC ASSOCIATION (NCAA) FUN RUN nitong Linggo sa pakikipagtulungan ng JOSE RIZAL UNIVERSITY (JRU) sa Shaw Boulevard, Mandaluyong City.
Speaking of JRU, bida sila sa recent 2025 NCAA Season 100 tampok ang JRU Track and Field, 4-peat Champion, Seniors and Juniors Division na pinagbidahan din ng Coach of the Year POSADAS Couple. Coach of the Year ng Seniors Division si Athletics icon ELMA MUROS POSADAS at Coach of the Year ng Juniors Division ang betterhalf and former coach niya sa early career era, GEORGE ‘JOJO’ POSADAS, JR. . Once again, Congrats!
Salamat po sa POSADAS couple sa inspiring info na madalas din dinadalaw at sinusuportahan ang aming fellow sportswriter na si MARIVIC AWITAN, all the way from Manila to Banadero, Batangas. Nakikipaglaban po ito sa Parkinson’s Disease na as per update ay wala pang tiyak na cure, temporary remedies lang. Sa layo ng narating, nananatili sila sa humility, mapagmahal at sincere sa friendship. Bunga ito ng magandang samahan nila sa years of service ni Sis MARIVIC sa NCAA events. God bless you more, nice people!
SIDELIGHTS: NCCA at NHCP, BANTAY-KULTURA AT KASAYSAYAN
KUNG may NCAA sa history ng Sports, may NATIONAL COMMISSION for CULTURE and the ARTS (NCCA) sa Kultura ng Pinas at NATIONAL HISTORICAL COMMISSION of the PHILIPPINES (NHCP) na nagtataas ng dangal ng Kultura at Kasaysayan sa bansa.
Marami ang nagbibigay-pansin at sumusubaybay sa attention-catching na titulo ng NCAA at NCCA, sa magkaibang bandera na kapwa nagbibigay-pugay sa Kultura at Kasaysayan ng ating bansa.
Kung ano ang mahalagang kaugnayan nito sa Sports field at icons, ibabahagi po natin sa susunod. Abangan ang latest info sa pangunguna nina NCCA CHAIRMAN VICTORINO MANALO at NHCP Chair REGALADO TROTA JOSE, JR. Kudos!
SPECIAL CHEERS
HAPPY BIRTHDAY to MAR F. SANTOS of General Trias, Cavite, KHIAN XANDRICK ABRENICA (Cab City, N.E.), Nanay WENEFREDA APELADO (86th) of Samar, Leyte, Mam Ma. DOLORES ELAMBRE, Mam BENITA TAN, Mam ETHEL ESTEBAN, Mam BARBY LLEMOS & Mam GLENDA MONTANEZ of AUPC), MALOU CALDITO (SanFe), ROWENA RAMOS SANTOS & MARY ANN MANABAT (LFIS), ROSANNA PICA & RODELYN PICA (Mand. City). Best blessings be with you all. HAPPY READING!