Advertisers

Advertisers

CONSTITUENTS SA CDO NABUDOL NG CITY MAYOR?

0 2,608

Advertisers

Lahat ng constituents ay umaasa para sa sinsero at katapatang panunungkulan sa sinumang mahahalal na CANDIDATES dahil ito ang kanilang ipinangangako sa tuwing panahon ng kampanyahan; subalit sa tuwing magtatapos ang kanilang termino ay doon magugulantang at halos di mapaniwalaan ng constituents na sila ay NABUDOL ng kanilang pinagtiwalaang POLITICIANS.

Tulad na lamang sa CAGAYAN DE ORO (CDO) CITY na nasa P1 BILYON ang naging CASH ADVANCES mula sa CITY GOVERNMENT FUNDS sa pamamagitan ng iba’t ibang porma nang mga proyekto na malaking kuwestiyonable sa constituents dahil wala umano silang naramdaman o natunghayang pinaggamitan ni CDO CITY MAYOR ROLANDO “KLAREX” UY.

Ito ay batay sa naging pagsisiwalat ni FORMER CDO CITY ADMINISTRATOR TEDDY SABUGAA sa isinagawang press conference noong April 30.., na ginamit umano ng CITY HALL ang ilang maliliit na grupo ng bawat individual para makapaglabas ng cash advances at sa ngayon ay higit na eksplosibong dokumento ang hawak nito na ang mga ebidensiya ay direktang sangkot si MAYOR UY na tumanggap ito ng P694.6 milyon cash advances mula July 2022 hanggang March 2025.., na ang total exposed amount ng cash advances ay P1 BILYON sa ilalim ng administrasyon ng nasabing alkalde.



Umabot sa halagang P330 million ang lumabas sa pondo ng bayan at ito ay napunta lamang sa kamay ng pitong tao at sa bulsa nang isa lamang sa kanila na-shoot ang kabuuang halagang P71.7 million.., na ayon sa dokumento ni SABUGAA ay “raising concerns ito over potential misuse of public funds, weak financial controls, and possible violations of procurement laws.”

Ayon sa opisyal na dokumentong ibinigay sa ilang MEDIA PRACTITIONERS ni SABUGAA, noong taong 2013 hanggang 2022, ang pangalan ng mga taong tumanggap ng “BULK OF DISBURSEMENTS” ay sina “CYRIL RANILE, JADE ADESER, XSYCLYN FAITH LUMBATAN, JASMIN MAAGAD, RHAPSODY GAABUCAYAN, MARK KENNETH JALAPADAN, REMY LABIANO at SHEILA LUMBATAN… na ang individual totals ranged ay mula ?25 million hanggang higit ?71 million.

Batay sa isang ‘INTERNAL REPORT’ ay HIGHLY IRREGULAR umano ito ng CASH ADVANCE SYSTEMS na laan dapat sa URGENT SPECIFIC NEEDS at hindi sa paulit-ulit na multi-milyong disbursement na nalaan sa iilang individual.

Ipinunto na ang.., Government regulations under COA Circular No. 97-002 and Republic Act 9184 (Government Procurement Law) strictly limit the use of cash advances and require immediate liquidation after use. Analysts warn that repeated large advances could point to splitting of transactions, circumvention of procurement processes, and ghost project risks.

Ang mga cash advances ni MAYOR UY base sa mga iprinisenta ni SABUGAA ay ang extraordinary and miscellaneous; covid 19 order initiatives; confidential funds; extra confidential funds; cash advance for terrorism responsiveness and deterrence seminar; at ang family drug abuse prevention program Phase II.



Ang masaklap pa ay maraming SOURCES ang nag-aakusa kay MAYOR UY na ginamit umano nito ang CITY GOVERNMENT FUNDS para bayaran ng P6,000 per voters ang mga taga-suporta ng kaniyang anak na si KIKANG UY na kumandidato sa BARANGAY POSITION.., na ito ay nagdulot ng RED FLAGS sa posibilidad na paglabag sa Election Laws, Anti-Graft and Corrupt Practices Act at sa COA Regulations.

Kaya naman ay maigting na ipinapanawagan ng mga residente ng CDO na magsagawa ng malawakang pagsisiyasat ang Commission On Audit (COA), Department of the Interior and Local Government (DILG), at iba pang LAW ENFORCERS hinggil sa malawakan at kuwestiyonableng cash advances mula sa CITY GOVERNMENT FUNDS sa liderato ni CDO CITY MAYOR UY.

“The use of public funds for personal and political advantage
is a gross abuse of power—and a betrayal of the public trust. The people of Cagayan de Oro deserve to know the truth, and those responsible must be held accountable,” pahayag ni dating CDO CITY ADMINISTRATOR SABUGAA.

Mga ka-ARYA.., ilang araw na lamang ay May 12 na at ang araw na ito ay idineklara ng gobyerno na HOLIDAY para ang lahat ng mga botante ay makapunta sa mga POLLING PRECINCT para sila ay makapagpartisipa sa halalan.., na dapat ay maging matalino at wais ang ating mga botante sa pagpili ng mga kandidato upang maiwasan at HUWAG NABUDOL NG MGA POLITIKO ANG SAMBAYANAN!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com para sa inyo pong mga panig.