Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
NAGBABALIK ang Nathan Studios sa “Picnic” —isa nanamang groundbreaking at moving na pelikula na siguradong swak sa panlasa ng mga Pinoy.
Unang pinalabas ang “Picnic” sa South Korea at dinirek ito ni Kim Yong-gyun. Ni-reimagine ng Nathan Studios ang pelikulang ito bilang isang Filipino-language movie.
Patuloy na pagiging tapat at consistent ng Nathan Studios sa commitment nito sa paghain ng mga kakaiba at de kalidad na istorya para sa mga Pinoy. Kaya naman pinili nito ang “Picnic” bilang Mother’s Day offering ngayong 2025.
Sa pamumuno ni Ria Atayde na President at CEO ng Nathan Studios, binigyan nila ng distinct Pinoy flavor ang “Picnic” nang pinagsama-sama nila ang isang intergenerational cast na tiyak na kagigiliwan ng mga manonood.
Nais ng Nathan Studios na ma-experience ng mga Pinoy ang istorya.
Hatid ng “Picnic” ang mga tema na tunay na mahalaga para sa mga Pilipino gaya ng pagtanda, mga kumplikadong family dynamics, pakikipag-kaibigan, at ang paglalakbay ng mga kababaihan bilang mga ina.
Gagampanan ng award-winning actress na si Ces Quesada ang papel ni Eun-sim.
Isinalarawan naman ng mga early reviews ang voice acting ng Pinoy Big Brother: Gen 11 winner na Fyang Smith — na ginampanan ang younger version ni Eun-sim — bilang isang scene-stealer.
Tampok din ang industry legend na si Nova Villa, na gagampanan ang papel ni Geum-soon, ang childhood best friend ni Eun-sim.
Ang acting legend naman na si Bodjie Pascua ang kukumpleto sa central trio ng pelikula sa kanyang sensitibong paganap sa papel ni Tae-ho.
At gagampanan ng on-scren partner ni Fyang na si JM Ibarra ang papel ng batang Tae-ho na siyang nagbigay ng karagdagang lalim sa karakter.
Ang mga orihinal na aktor na tampok sa “Picnic” ay ang South Korean superstars na sina Na Moon-hee (Eun-sim), Kim Young-ok (Geum-soon), at Park Geun-hyung (Tae-ho).
At makikita pa rin ang husay ng pelikula sa Pinoy dub ng Nathan Studios sapagkat ramdam pa rin dito ang lumalalim na misyon ng studio: ang makapaghatid ng magagandang istorya na kumakausap sa puso ng bawat Pinoy.
Sa kaso ng “Picnic,” muling naghahain ang Nathan Studios na binabali ang nakasanayang konsepto ng pamilya.
Habang hindi naman nabago ng Filipino-dubbed version ang istorya, ginawa nitong mas swak sa panlasang Pinoy ang pelikula nang pinagsama-sama nila ang ilan sa mga respetadong artista ng Pilipinas para bigyang buhay ang mga karakter.
Ang resulta ay isang viewing experience na pamilyar na pamilyar para sa lahat — ang pag-aalaga sa mga nakakatanda at pagpapahalaga sa mga kaibigan at pamilya.
Solid ang Nathan Studios sa paniniwala nito sa kapangyarihan ng storytelling kaya naman pangangaralan nila ang mga ina at kanilang mga pamilya.
Pinapakita ng pelikula kung paano mabuhay ng may tunay na pagmamahalan.
Hindi lang tearjerker ang “Picnic” sapagkat kapupulutan din ito ng madaming aral.
Sapol sa puso ang “Picnic.”
Sa mediacon ng Picnic, tinanong si Nova kung nanonood ba siya ng mga K drama o movie, at ano ang feeling na isa ang boses niya sa ginamit sa nasabing pelikula.
Sagot niya, “bihira po dahil sa sobrang kabisihan. Pero may ilan din akong napanood And I like yung mga istorya ng Korean movie,nagugustuhan ko naman.’Yun nga lang kailangan may sub- title,di ba? Mahirap kasing intindihin. Pero maganda yung mga istorya.
“Nung tinanggap ko yung movie,medyo nahirapan ng konti (na mag-dub). Kasi yung reaksyon, iba ‘pag tagalog, iba ‘pag Filipino language. So kailangan naming pag- aralang mabuti,” sagot ni Nova.
Pero gina-guide naman daw sila ng kanilang coach/dubber kaya nada-dub nila ng maayos.
Showing na ang Picnic. Watch ninyo siguradong magugustuhan ninyo at maiiyak kayo.