Advertisers

Advertisers

Bangsamoro, IPs inendorso si Bong Go

0 7

Advertisers

Nagpahayag ng pasasalamat si Senator Christopher “Bong” Go sa One Bangsamoro Movement (1BANGSA) sa pag-endorso sa kanyang kandidatura bilang senador sa 2025 midterm elections.

Ang endorso ay tinawag ni Go na pagkilala sa makabuluhang pagpapatibay ng matagal na niyang suporta sa mga Muslim na Pilipino at Indigenous Peoples (IP).
“Maraming salamat po sa One Bangsamoro Movement sa tiwala at suporta. Hinding-hindi ko po kayo bibiguin. Patuloy kong ipaglalaban ang kapakanan at interes ng mga kapatid nating Muslim at kapwa Mindanaoan,” sabi ni Go, na muling pinagtibay ang kanyang pangako na ipagtatanggol ang inklusibong batas at mga programa na tumutugon sa pangangailangan ng mga marginalized sectors sa buong bansa.
Ang pag-endorso ay pormal na inihayag ng 1BANGSA noong Martes, kung saan binigyang-diin ni National President Maulana “Alan” A. Balangi ang malawak na track record ng serbisyo publiko ni Go na nakahanay sa mga hangarin ng mamamayan ng Bangsamoro para sa dignidad, pagkakapantay-pantay sa lipunan, at pangmatagalang kapayapaan. Sinabi ni Go na ang kanyang mga pagsisikap ay nakabatay sa katotohanan ng kanyang trabaho lalo na sa patuloy na presensya niya sa buhay ng Muslim at IP communities.

Kabilang sa mga pangunahing inisyatiba ni Go ay ang pagpapalawak ng Malasakit Centers sa buong bansa, kabilang na sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), kung saan anim na center ang itinayo.



Layunin ng mga pasilidad na ito na gawing simple ang pag-access sa tulong-medikal para sa mahihirap na pasyente, lalo sa mga lugar na kulang sa serbisyo.

Binanggit din niya ang kanyang iniakdang Republic Act No. 11696, o ang Marawi Siege Victims Compensation Act, na nagbigay ng reparation sa mga internally displaced persons (IDPs) na ang mga bahay at ari-arian ay nawala o nawasak noong 2017 ng mga teroristang may kaugnayan sa Islamic State.

Itinaguyod din niya ang Senate Bill No. 1273, o ang Equal Access to Public Cemeteries Bill, na ginagarantiyahan ang kultural na angkop na libingan para sa mga Muslim na Pilipino at mga Katutubong Muslim, isang panukalang nakabatay sa paggalang sa mga tradisyunal na kasanayan.

Upang matugunan ang systemic exclusion, naghain si Go ng SBN 2917, o ang Delayed Registration of Birth Act of 2025, na nagpapasimple at nagpapawalang-bisa ng mga bayarin para sa pagpaparehistro ng kapanganakan, lalo na para sa mga mahihirap na pamilya sa malalayong komunidad ng Muslim at Katutubo.

Layunin ng panukalang ito na matulungan ang tinatayang 3.7 milyong hindi rehistradong Pilipino.



Itinulak din niya ang pagtaas ng pondo para sa National Commission on Muslim Filipinos (NCMF), na sumusuporta sa Hajj subsidies, scholarships, health initiatives, at community development programs sa buong bansa.