Advertisers

Advertisers

Bea tikom pa sa romansa sa presidente ng Puregold supermarket

0 6

Advertisers

Ni BETH GELENA

NAGTAMPO umano si Karla Estrada kay Ogie Diaz.

Guest kamakailan ang Mother Queen (ina ni Daniel Padilla) nang mag-guest ang una sa TV channel ng batikang manunulat/TV host/talent manager, kamakailan.



Sa one-on-one interview nila, inamin ni Karla na minsan siyang nainis sa entertainment columnist na si Papa Ogs.

Nilinaw ni Karla na mas pinipili niyang unahin ang kanilang pagkakaibigan kaysa sa tampo o sama ng loob.

Ibinahagi rin ni Karla ang pananaw niya sa naging breakup nina Daniel at Kathryn Bernardo.

Hindi naiwasan ni Karla na maging totoo sa kanyang nararamdaman nang kapanayamin ni Diaz.

Diretsa niyang inamin na minsan siyang nagtampo sa entertainment columnist dahil sa paraan ng pagtalakay nito sa mga isyu ng anak niyang si Daniel.



Hindi niya itinanggi nang tanungin siya ni Ogie kung nagalit ba siya sa kaniya.

Ani Karla, “Of course! Siyempre may mga salitang hindi nakakatuwa. Pero mas malawak ang pang-unawa ko, eh… pinagkatiwala ko sa’yo ang anak ko na maging ninong.” READ ALSO Karla Estrada, thankful sa pamilya ni Kathryn: “No bad blood for me”

Bagama’t may tampo, pinili ni Karla na ipaglaban ang kanilang pagkakaibigan.

Aniya, normal lang ang mga tampuhan pero hindi siya naniniwala sa mababaw na ugnayan. “Hindi ako naniniwala sa mababaw na pagkakaibigan… kapag nagkikita tayo, lagi tayong nagtatawanan,” dagdag pa niya.

Sa gitna ng kanilang pag-uusap, biniro pa ni Karla si Ogie ng, “Infernes, ‘yung buong pangyayaring iyon, naka-magkano ka sa content mo?” — na ikinatawa ng dalawa.

***

JESSY KINOLOUT ANG NAGBIBIGAY NG DRIVER’S LICENSE

NAPAREAK si Jessy Mendiola sa trahedyang nangyari sa NAIA T1, kamakailan.

Nirepost niya sa kanyang social media account ang isang artikulo about sa trahedya at saka nilagyan din niya kung ano ang nasa kanyang saloobin.

“Let this be a lesson to be more careful and responsible when you are behind the wheel. And maybe, this is a sign that we need to fix/change our airport. I believe that the driver is at fault, but let’s not deny the fact that our airport needs some changing.”

Wika pa niya, “Tumanda na ako, ganyan pa rin ang NAIA, baka naman — pwede na rin natin pagtuunan ng pansin na baguhin at pagandahin ang ating airport. Imbis na masaya ka, magbabakasyon o lilipad, may takot na sa pagpasok pa lang ng airport.”

May paalala rin siya para sa LTO, “And hopefully, we become more stricter when it comes to granting licenses. So many road accidents lately, it is time to implement stricter regulations to keep our families.

***

MAY rumors na nakikipag-date umano si Bea Alonzo sa isang Chinese buainess guy named Ferdinand Vincent Co.

Ang nasabing guy ay presidente umano ng Puregold.

May nagtatanong tuloy kung ang guy na raw ba ang new love ng Kapuso aktres.

Matagal na ring hiwalay si Bea sa ex boyfriend na si Dominic Roque.

Dating may nalink sa aktres na isang foreign guy, pero never namang in-entertain ni Bea ang isyu.

Mula nang nagbreak ang couple ay wala pang pinalit si Bea kay Dom, though ang huli ay masaya na sa piling ni Sue Ramirez.

Last month ay kumalat sa online na may bagong boyfriend na raw ang aktres.

Tikom pa hanggang ngayon ang bibig ni Bea hinaggil sa isyu nila ng presidente at Director ng supermarket chain ng bansa.