Advertisers

Advertisers

Bigas para sa tao, hindi para sa kita

0 9

Advertisers

MAY punto si senatorial candidate Manny Pacquiao: ang bigas ay pagkain ng bawat Pilipino, hindi dapat ginagawang negosyo ng iilan. Mismo!

Sa taas ng presyo ng bigas ngayon, hirap ang mga pamilyang Pilipino. Pero mas masakit, ni hindi rin kumikita ang mga lokal na magsasaka. Sila na ang nagtatanim, sila pa ang lugi. Tama ka, Sen. Pacquiao!!!

Kaya nanawagan si Pacquiao na repasuhin ang Rice Tariffication Law. Maganda sana ang layunin nito—na siguraduhing may sapat na suplay ng bigas—pero ang nangyari, tila mas pinaboran ang mga importer kaysa sa mga tunay na nagtatanim ng pagkain sa bansa.



Giit ni Pacquiao, kailangan ng mas malaking suporta mula gobyerno para sa mga magsasaka, gaya ng dagdag na subsidy, mas maayos na irigasyon, at makabagong teknolohiya. Dapat ding ayusin ang sistema ng distribusyon para bawas ang gastos, at tiyaking hindi tinataasan basta-basta ang presyo sa palengke.

Para kay Pacquiao, ang pagkain ay hindi dapat ginagawang negosyo. Dapat nating palakasin ang lokal na produksyon ng bigas para hindi laging aasa sa pag-aangkat. Kung malakas ang ani sa sariling lupa, siguradong mas abot-kaya ang bigas sa bawat hapag.

Ang seguridad sa pagkain, ayon sa kanya, ay seguridad ng buong bayan. At kung gusto nating wakasan ang gutom at kahirapan, kailangan natin ng gobyernong kakampi ng magsasaka at tagapagtanggol ng mamimili.

Sa panahong puro taas-presyo ang balita, malinaw ang mensahe ni Pacquiao: ang bigas, para sa tao—hindi para sa kita. Mismo!!!

Mabuhay ka, Senador Pacquiao!!!



***

Last day ngayon ng pangangampanya ng mga kandidato sa iba’t ibang posisyon.

Bukas, Mayo 11, bawal na ang kampanya. Kaya malamang ang gapangan. Hehehe…

Sa nakalipas na 45 days ng kampanya, pag-ikot at pagpakilala ng mga kandidato, siguro naman ay nakapili na ang mga botante ng kanilang iboboto sa Lunes, May 12.

Para maging madali ang pagboto, magdala ng listahan ng mga ibobot mula konsehal, vice mayor, sangguniang panlalawigan, vice governor, governor, congressman at partylist para sa tatlong taon na termino, at 12 senador para sa anim na taon na pagiging mambabatas ng bansa.

Bayan, mautak na tayo sa pagboto. Iboto natin ang mga kandidatong may kakayahan sa posisyong kanilang itinatakbo.

Mabuhay ang mamamayang Pilipino. Mabuhay ang Pilipinas. God bless sa ating lahat…