Advertisers

Advertisers

HUWAG MAGTIWALA

0 21

Advertisers

Ilang tulog na lang at huhusga ang bayan sa napakahabang yugto ng kanilang buhay, ang gitnang halalan kung saan patuloy ang panloloko kay Mang Juan ng mga kandidato at maging ang mga bayarang grupo na naglalabas ng survey kuno sa ibig nagging senador o kinatawang bayan ng maraming Pinoy. Nakakapanlumo na hanggang sa dulo ng pangungumbinsi sa Pinoy ng mga aspirante nariyan ang mga survey na nagsasabi na ang mga kakilalang ngalan ang nasa unahan at ‘di makita ang ngalan ng mga kandidato na tunay na bitbit ang adhikain na madinig, maiahon at maging kinatawan ng hanay ng mga tayo sa laylayan. O’ sadyang ang pagtatanong nakatuon sa mga ngalan ng may kakayanang magbayad sa gagawin o ginagawang survey sa nakararaming tao sa laylayan ng lipunan.

Napagnilay-nilayan at tinatanong ang sarili kung bakit walang palad ang bansa sa uri ng mga lider na iniluluklok para akayin ang bansa sa kaunlarang hanap. Ganap bang walang palad dahil sa hindi paglimot sa nakaraan na paghuhugutan ng aral sa tamang pasyang gagawin. Ang makalimot sa nakaraan ang kadalasang landas ng mga taong bigo sa hinaharap na may kapaitan dahil masasalinan ng bigong kapalaran ang salinlahi na sanay iaahon sa kahirapan. Ang kawalan ng pagbabalik-aral ang salang hakbang na kamalian o kahirapan ang patunguhan. Ang ‘di pagbalik tanaw sa nakaraan para sa kinabukasang tahakin ang nagpapalalim sa kahirapan na maglulubog sa kabuhayan ng masang matagal ng naghihirap. Ang gawa sa nakaraan na dapat paghalawan ng aral ay karaniwang nauulit dahil sa pasyang ‘di pinag-isipan ang larawan karanasan ng lumipas.

Sa totoo lang, ibig maiwasto ang sala ng balana sa nakaraan sa magninilay at pag-iisipan ang pasyang gagawin sa hinaharap. Ang hindi mault ang kamalian o sala dahil sa pasyang ‘di tama ang landas sa paglimot sa nakaan para sa kinabukasan. Huwag limutin ang minsang banggit ng pambansang bayani na nasa Kabataan ang pag-asa ng bayan. Subalit ang tamang giya ng may karanasan ang mahalaga sangkap o halimbawa na maaring tularan sa kinabukasan. Mainam na makita ng kabataan tamang halimbawa sa mga nakakatandang gumigiya sa kanilang kinabukasan. Ang pagpapasya ng tama at matuwid na mamamalas ang sasandigan ng kagalingan ng Kabataan para sa kinabukasan at sa susunod na salinlahi. Hindi mahirap ang pagpapasya na may kagalingan sa sarili at maging sa bayan, ang tamang halimbawa na tutularan ng kabataan ng ating bayan.



Sa totoo lang, masakit ang mga hakbang na ginagawa ng mga may ngalan o kilala sa Lipunan na naglalabas ng mga impormasyon na bumibilog sa kaisipan ng madla higit sa ibig ng iilan. Ang panlililo ang masakit na kaganapan na dapat na isinasantabi ng mga taong may talino higit ang paghuhubog ng kaisipan ng nakakarami. Ang salang gawa na ‘di ibig matularan ng Kabataan ang ambag ng ilang may-ulo kuno ngunit walang puso para sa bansa. Tunay na pansarili ang takbo ng mga iilan higit ang mga taong may talino na una ang sarili o ang kaperahan bago ang bayan. Matagal na ang kaganapan na pa ulit-ulit na nagaganap at nagiging karaniwan dahil sa walang pagtutuwid sa salang gawa. At sadyang pansarili ang lakad ng ilan na ang layo’y maka-kurot ng konti sa yaman na pinaghihirapan ng nakakarami na biyaya sa mga opisyal ng bayan.

Sa ilang araw na nalalabi at idadaos ang halalan, sa COMELEC mainam pagbawalan o sabihan ang mga survey group na itigil ang paglalabas ng resulta kuno ng mga ginawang survey ng magkaroon ng patas na laban sa dulo ng halalan. Ang ‘di makalipad sa social media o ‘di pansin ng extreme media tulad ng mga “mock election” sa pamantasan ang patunay na ‘di patas ang laban ng mga may salapi at wala. Ang ipagbawal ang paglabas ng survey sa huling bahagi o huling mga araw ng halalan ang ibig na makita nang maging patas ang laban kahit sa huling araw. Walang ibig kampihan subalit ang mapanatili na walang kinikilingan higit ang Komisyon ng Halalan ipagkakatangi.

Bayan higit sa kabataan, mag-isip at magnilay na ‘di lahat ng makikita o mababasa sa social media maging sa extreme media tama at may galing. Ang mga mensahe pinaabot ng mga taong may kakayahang magbayad ang pinaka malupit na katotohanan na kailangan ng bukas na pag-iisip. Walang hindi gagawin ang ilan sa mga nag-aambisyon upang makamit ang ibig sa darating na halalan higit ng mga taong malaki ang puhunang inilabas upang maka-upo sa pwestong asam. Hindi biro ang laki ng salaping tinustos upang ipabatid ang ibig na pagsisilbi kuno sa bayan subalit ang asam na manatili sa pwestong tangan na nagbubunga ng kaalwanan sa buhay ng pamilya. Hindi usapin ng ina o ama sa pamilya, sa halip usapin na makopo ang bawat pwesto na magbabalik sa perang tinustos at ang kumite ang kaakibat ng pwestong tatanganan.

Ang mag-isip ng ilang araw higit sa kalagayan sa kasalukuyan ang mabisang paraan sa kung sino ang dapat bigyan basbas sa halalan. Isa-isahin ang bawat kandidato na napupusuan at ang may kakayahan sa pwestong asam. Ang tanungin ang sarili sa kakayahan ng napupusuan ang simula ng tamang pasya na gagawin sa halalan. May kakayahan bang tumayo para sa kapakanan ng bayan o sa pangmaliitan sa sektor na kinabibilangan. Ang madala ang usapin ng tulad ni Mang Juan sa hapag ng pwestong inaasam ang gawing batayan higit ang usapin magbabago sa kabuhayan ng madla na nasadlak na sa kahirapan. Ang pag-isipan ang matagal ng kalagayan, ngayon ikaw ang magpapasya sa kinabukasan tatahakin. Gawin sa ilang araw o gabi bago ang araw na dadako sa presinto ng halalan.

Sa pagninilay, ang maglalaho’y ang gawa ng mga lilo na sarili ang bitbit at ‘di ang sa bayan, dalhin ang mga tunay na maglilingkod sa bayan na may kakayahang baguhin ang kalagayan sa buhay ng tao sa laylayan. Huwag magtiwala sa mga kandidatong malakas kuno sa survey at gamiting basehan ang kasalukuyang kalagayan sa pagpapasya para sa kinabukasan. Alalahanin ang salinlahi ang aani sa tamang pasya sa prutas ng kinabukasan. Sa panahon ng pagpapasya, ang tamang pagsusuri ang mag-aahon sa bansa sa balag ng kahirapan. Huwag magtiwala sa bulaang survey, ang kalagayan sa kasalukuyan ang gawing batayan sa pagpapasya sa Mayo 12. Bayan at mamamayan, nasa iyong kamay ang kagalingan ng bansa sa ngayon at sa kinabukasan. Magpasya ng tama, ihalal ang karapat dapat. Tandaan, ang TaumBayan dapat Manalo sa halalan.



 

Maraming Salamat po!!!!