Advertisers
MAINIT na tinanggap ng libu-libong Malabuenos ang Ateacher partylist sa matagumpay na motorcade na isinagawa sa lungsod , isang malinaw na indikasyon na susuportahan ng mga taga-Malabon ang partylist sa May 12 midterm elections.
Ang makulay na motorcade, sa pangunguna ng Ateacher nominee na si Virginia Rodriguez, ay umikot sa lungsod at inihayag ang iba’t ibang mga programang idinisenyo upang tulungan ang komunidad, lalo na ang mga mahihirap.
Ang aktibong pakikitungo ni Rodriguez sa mga ordinaryong mamamayan at mga residente ay nagbigay sa partylist ng positibong resulta sa mga surveys kung saan tumaas ang ratings at kasalukuyang nangunguna sa ibat-ibang poll surveys.
Ang tagumpay na ito ay dahikan ng kanyang natatanging paraan ng personal na pag-abot sa komunidad upang ilatag ang kanyang mga makataong programa.
Kabilang sa mga programang ito ay ang pagtatatag ng mga pangkabuhayan sa mga magsasaka upang mapabuti ang kanilang kalagayan at makatulong sa ekonomiya sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng mga makabagong kagamitan sa pagsasaka at mga pamamaraan upang mapabuti ang kanilang ani.
Pinaalalahanan ng Ateacher ang mga botante laban sa tradisyunal na pulitiko na ilang dekada nang namumuno ngunit hindi tunay na nakakatulong sa kapakanan ng komunidad. Sa halip, mas inuuna nila ang kanilang mga personal na interes at agenda kaysa sa mga pangangailangan ng mga taong dapat nilang paglingkuran.
Bagama’t si Rodriguez ay isang baguhan sa pulitika, siya ay isang edukadong tao na may kakayahang mag-reporma sa maling sistema sa gobyerno at maaaring magbigay ng tulong sa mga tao sa pamamagitan ng kanyang karanasan bilang isang matagumpay na negosyante.
Kabilang sa mga programa ng Ateacher ay ang pagbibigay ng trabaho sa malalayong komunidad sa pamamagitan ng paglikha ng mga lielihood programs, pagbibigay ng libreng isang sako ng bigas kada buwan sa mga guro, libreng pagkain para sa lahat ng pampublikong paaralan, at mga Senior Citizen at mapababa ang presyo ng bilihin at para mapawala ang cancer sa ating bansa at ang pagpapagawa ng farm to market roads, paggawa ng irigasyon at libreng pagpapagamot at mga medisina.