Advertisers

Advertisers

“MAYONG” LAKI SA HIRAP, KAYA MAKAMAHIRAP

0 1,026

Advertisers

Mario “ Mayong” Gonzales.

ISA nang matagumpay na negosyante ang 53 anyos na trucking operator at kontratistang si Mario Africa Gonzales ngunit nananatiling “nakatungtong ang mga paa nito sa lupa” at hindi nagsasawang lingunin ang kapwa niyang mahihirap bago niya narating ang kinalalagyan ngayon.



Buhat sa maralitang angkan ay napilitan si Mayong (palayaw kay Mario Gonzales) na mag-aral sa sariling sikap. Sa batang gulang ay namasukan siya bilang “helper” ng isang negosyante at sa gabi ay nakikipasada ng tricycle na pag-aari ng kaibigan ng kanyang pinaglilingkurang pamilya.

Mula sa pamilya ng mga magsasaka, sila ay nagsasaka sa lupain sa bulubunduking barangay sa bayan ng Rosario, Batangas. Si Mayong ay nagtiyaga na maging “kawaksi” sa sakahan pag araw at sa gabi ay namamasada ng tricycle.

Ang kinikita niya sa pagiging kawaksi at tricycle driver ay unti-unti nyang inipon at inilaan sa kanyang pag-aaral sa high-school. Itinuturing si Mayong na tunay na kapamilya ng kanyang pinaglilingkurang pamilya.

Habang pumapasok ng high school ay nag-aaral din si Mayong tuwing araw ng Sabado at Linggo ng pagkukumpuni ng mga relo at mga electronic gadgets.

Dahil sa likas na talino, kakayahan at mabuting pakikipagkapwa-tao ay nakilala ni Mayong ang malalaking negosyante at mga contractor sa Batangas City kung saan natutuhan niya ang pangangalakal ng mga “scrap material” sa mga malalaking pabrika at establisyemento sa naturang lungsod.



Bilang katiwala ng business at engineering contractor ay nakapag-pundar si Mayong ng isang pampasaherong jeep na nabayadan niya ng installment. Ang isang jeep ay naging dalawa hanggang maging limang pampasaherong jeep, apat nito ay tiwala niyang ipinapasada sa kanyang mga kapatid.

Ito ang naging daan upang si Mayong ay napiling maging Pangulo ng isang asosasyon ng mga jeepney driver at operator na bumabiyahe sa rutang Batangas City-Bauan at Lemery.

Pinakasalan ni Mayong si Isabelle Villena at nagkaroon ng sariling pamilya, nagkaroon sila ng apat na anak na pawang mga titulado nang lahat. Naninirahan sila ng 25 taon na sa Brgy. San Marcelino sa bayan ng Taysan na kung saan namulat si Mayong sa negosyong hauling ng mga panambak at mga construction material.

Ibinenta ni Mayong ang kanyang mga pampasaherong jeep at nagsimula sa trucking and hauling business gamit ang kauna-unahang nabili nitong dump truck.

Ang isang dump truck ay naging dalawa, tatlo hanggang sa umabot ito sa 20. Sa pamamagitan nito ay nabigyan niya ng hanapbuhay at ng pagkakataon na makaahon sa hirap ang mga kababayan sa Taysan.

Naging bukas-palad si Mayong sa pagsuporta sa mga mahihirap niyang mga kababayan, sumuporta sa mga kabataan sa larangan ng palakasan, pinagtuunan ng pansin ang pagtulong sa mga magsasaka, manggagawa, senior citizen at person with disability upang mabigyan ng serbisyong medikal at nagkakaloob ng tulong pinansyal sa mga taong nabibilang sa mahirap sa pinakamahirap at iba pang sektor ng lipunan.

Dahil sa napakarami nitong natulungan ay hinimok si Mayong ng kanyang mga kababayan lalo na ng mga kilalang lider-pulitiko ng may 20 barangay ng Taysan na kumandidato bilang miyembro ng Sangguniang Bayan o Konsehal ng naturang munisipalidad. Tiniyak ng mga political leader ang kanilang suporta kay Mayong pagkat damang-dama nito ang pagiging mahirap.

Hangad ni Mayong na mabigyan ng hanapbuhay ang kanyang mga kababayan na may kakayahan pa na magtrabaho, talikuran ang kultura ng korapsyon lalo na ang nakagawiang panghihingi ng porsyento, payola o suhol ng ilang public official mula sa mga kontratista ng pagawaing pambayan at ipatigil ang paggamit ng salapi mula sa kaban ng bayan para sa pansariling interes.

Pambato ng partido nina Mayong sa pagka-alkalde ng Taysan ay si Brigido “Dong” Villena at Vice-Mayor ay si Marianito “Nitoy” Perez.

***

Para sa komento: Cp.No. 0966 406 6144