Advertisers

Advertisers

NVP sunud-sunod ang raket sa pagpo-promote ng OPM album ‘Parte ng Buhay Ko’

0 7

Advertisers

Ni BLESSIE K. CIRERA

ILANG araw mula nang dumating sa Pinas ang international singer-nurse na si Nick Vera Perez, sunud-sunod na ang mga guestings niya at halos wala na siyang pahinga.

Bukod sa isinagawang mediacon, nakapag-guest na si Nick sa ilang radio shows, sa Eagle FM 95.5, Ikonek Mo sa Radyo Aguila, at Letters & Music sa Net25.



Nakabisita na rin ang singing nurse kasama ang kanyang talent na si Evelyn O. Francia sa 13th Year Anniversary Celebration of the Senior Citizens Asdociation Federation Inc. of BNF District 5.

Nagbigay sila ng kasiyahan sa mga may edad sa pagkanta ng ilang awiting emosyunal at nakaiindak.

Siyempre, hindi puwedeng mawala sa listhan ng mga pupuntahan ni NVP ang kanyang lupang sinilangan, ang Zamboanga City.

Gaganapin sa KCC Mall sa Zambo ang isang Mother’s Day celebration na tribute para sa mga ina lalo na sa minamahal niyang si Mommy Visitacion Tan.

Pagbalik ng Manila, walang pahinga na bibisita naman si NVP sa May 14 sa showbiz talk show na Eto Pala Ang Latest (E.P.A.L.) sa DWAN Radio gayundin sa Marisol Academy ng Abante Tonite.



Sa May 15, gora naman si Nick sa Department of Social Welfare and Development para sa Smile World Charity Outreach.

Nasa WEJ-A Minute on Radyo Agila naman siya sa DZEC 1062.

May mall tours din si NVP na nakaugalian na niya, sa Robinson’s Novaliches sa May 18, sa Sta. Lucia Mall sa May 23 at sa May 25 sa Isetann Recto.

Nasa WISH 107.5 Bus din si NVP sa May 23.

Siyempre, kasama niyang magbibigay saya sa audience sa pamamagitan ng kanilang mga awitin at surprise gifts si Eternal Diva Ms. Evelyn at ang rising star na si Hannah Shayne.

Nabanggit nga pala ni Nick na hindi pa rin nawawala ang hangarin niyang maka-collab ang idol niyang si Concert King Martin Nievera na ika nga niya ay malaking impluwensiya sa kanyang musika.

Kasalukuyan pa ring pino-promote ni NVP ang kanyang all-original OPM album na Parte ng Buhay Ko na nilikha lahat ng composer na si Adonis Tabanda.

Nasa album ang mga kantang Biyaya, Paghilom ng Sugat, Titig, Lihim ng Puso, Kalendaryo, May Tayo Ba?, Pangarap Ko’y Ikaw, Sana’y Mapansin at siyempre, ang Parte Ng Buhay Ko.

Ginagawa na rin ng mahusay na singer ang kanyang 5th album, a gospel collection na may titulong Unafraid na ilalabas na rin ngayong taon.

Sa iba pang mga ganap kay NVP, sundan lang siya sa kanyang mga social media platforms.