Advertisers

Advertisers

‘Pro-Pilipinas’ ang dapat sa Senado — Abalos

0 7

Advertisers

Habang papalapit ang halalan, malinaw ang panawagan ni senatorial candidate Benhur Abalos Jr.—piliin ang kandidatong Pro-Pilipinas.

Sa panahon ngayon na tila lumalakas ang impluwensiya ng mga banyaga sa pulitika, mahalaga raw na manindigan tayo para sa soberanya. Ayon kay Abalos, kapag pinayagan nating makialam ang dayuhan sa ating halalan, para na rin nating isinuko ang direksyon ng ating bansa. Tama siya—ang Pilipinas ay para sa Pilipino.

Bilang dating Interior and Local Government Secretary, alam ni Abalos ang bigat ng tungkulin ng pamahalaan sa pagtatanggol ng teritoryo. Kaya isinusulong niya ang mas malaking pondo para sa maritime security, lalo na sa West Philippine Sea at mga katabing baybayin. Importante raw ang mas matatag na Coast Guard para labanan ang smuggling, mapangalagaan ang kalikasan, at tiyaking hindi inaagawan ng karapatan ang mga Pilipino sa sariling dagat.



Hindi lang ito usaping pambansa. May mga konkretong plano rin si Abalos sa kabuhayan: pagtanggal ng VAT sa kuryente, pagbabalik ng kapangyarihan ng NFA na tumulong sa mga magsasaka, at pagpapalakas ng feeding at mental health programs sa paaralan. Mungkahi rin niya ang paggamit ng Special Education Fund para masuportahan ang edukasyon hanggang kolehiyo, at ang pagpapalawak ng socialized housing na napatunayan na sa Mandaluyong.

Sa dulo, ang paalala ni Abalos ay simple pero makabuluhan: huwag basta bumoto. Kilatisin. Alamin kung sino talaga ang may paninindigan para sa bansa. Piliin ang may puso, may alam, at tunay na Pro-Pilipinas.

Dahil sa panahon ng pagsubok, ang kailangan natin sa Senado ay hindi lang popular—kundi makabayan.

Samantala, habang papalapit ang Mayo 12 lumalakas naman sa survey ang dating kalihim ng DILG dahil sa nakita ng mga botante na may malinaw na plataporma
ang dating alkalde ng Mandaluyong City.

Sa pinakahuling Social Weather Stations survey, si Abalos ang may pinakamalaking inangat—mula 17% noong Marso, umakyat siya sa 24% ngayong Mayo. Malaking 7-point jump na nagpapalapit sa kanya sa magic 12.



Hindi ito simpleng pag-akyat. Matagal na siyang kilala sa serbisyo publiko bilang mayor, Metropolitan Manila Development Authority chairman, at DILG secretary. May maayos siyang track record, at ngayon ay may dalang platapormang konkretong tumutugon sa mga pangunahing isyu ng mamamayan.