Advertisers

Advertisers

SURVEY SA VOTERS SUPPORT TUMAAS KAY BENHUR ABALOS JR!

0 8

Advertisers

Ilang tulog na lang ay Lunes na.., May 12 ELECTIONS DAY para sa pagpili ng mga ihahalal na mga KANDIDATO at sa latest SOCIAL WEATHER STATIONS (SWS) SURVEY ay TUMAAS ang ratings ng mga susuportang voters para kay SENATE CANDIDATE ATTY. BENHUR ABALOS JR.., na mula sa 17% noong March ay 24% na ngayong buwan ng Mayo at senyales na dumidikit ito sa SENATORIAL WINNER’S CIRCLE

Si BENHUR ay kabilang sa CONTENDERS para sa 19-20 bracket noong April 20-24 POLL na isinagawa ng OCTA RESEARCH na indikasyong pirmi ang pag-angat ng kaniyang rankings.

Ang SURVEY na isinagawa nitong May 2 hanggang 6 ay nagpapakitang tumataas ang momentum jay FORMER INTERIOR SECRETARY at FORMER MANDALUYONG CITY MAYOR na ang kampanya ay dulot ng CLEAR LEGISLATIVE AGENDA.at HIGH- PROFILE ENDORSEMENTS mula kay FORMER VICE PRESIDENT LENI ROBREDO at TV ICON VICE GANDA.



Ipinunto ni ROBREDO na matagal na niyang kaibigan si BENHUR ABALOS JR. na nagsilbi nang maraming taon sa pagiging MANDALUYONG CITY MAYOR, nagsilbi bilang MMDA CHAIRMAN hanggang sa naging DILG SECRETARY at ngayon nga ay kumakandidato bilang SENATOR.
.
“We will help him because he has long been helping us here in Naga, especially during Typhoon Kristine. He came here several times to help. He did it quietly, but he always helped. Let’s support him in his candidacy. We will vote for him in his bid for the Senate,” pagpupunto ni ROBREDO.

Sa pamamagitan ng SOCIAL MEDIA naman ay pinost ni VICE GANDA ang foto ni BENHUR na may caption na.., “Kesa naman yung mga walang kwenta ang pumasok sa Top 12. Dito na ‘ko.”

Ang nagpalakas lalo sa kampanya kay BENHUR ABALOS JR ay ang pag-eendorso ni FORMER SENATE PRESIDENT FRANKLIN DRILON.., endorsement ng LEAGUE OF MUNICIPALITIES OF THE PHILIPPINES; UNION OF LOCAL AUTHORITIES OF THE PHILIPPINES (ULAP); MAYORS’ LEAGUE; VICE MAYORS’ LEAGUE; COUNCILORS at BARANGAY CAPTAINS.

Sa kampanya ni BENHUR ay isusulong nito ang pag-amyenda sa RICE TARIFFICATION LAW at ibalik sa NATIONAL FOOD AUTHORITY (NFA) ang kontrola na hindi lamang sa direktang pagbili ng palay mula sa mga magsasaka kundi maging sa pagbebenta sa merkado kahit walang emergencies.., na pangunahin pa sa kaniyang plataporma ay ang pagtanggal sa VALUE ADDED TAX sa ELECTRICITY at FUEL USED FOR POWER GENERATIONS.., para mapagaan ang bayarin ng milyong households at mapaalwan din ang small businesses.

“Equally urgent is the need to safeguard municipal fishing grounds from commercial encroachment, ensuring that coastal communities can continue to earn a living and contribute to the country’s food security,” saad ni BENHUR na oagtutuunan pa nito ang pabahay para sa low-income urban families at para sa OVERSEAS FILIPINO WORKERS (OFWs).



“Mas lalo pong tumitindi ang pagnanais kong mapaglingkuran kayo sa Senado. I submit myself. Mahirap man ang trabaho, nakahanda po akong gawin ito para sa inyo. Kayo ang magsisilbing lakas at inspirasyon ko. Samahan ninyo ako patungo sa ating tagumpay,” pagpapahayag ni BENHUR ABALOS JR. sa video message na ipinost nito sa kaniyang Facebook page!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com para sa inyo pong mga panig.