Advertisers

Advertisers

Viva Il Papa!

0 5

Advertisers

May bago ng Papa sa Roma. Siya Robert Francis Prevost o Pope Leo XIV.

Kahalili ang ipinanganak sa Chicago na pontiff ng yumaong Pope Francis o Lolo Kiko nating mga Pinoy.

Ang unang US na pinuno ng Vatican ay matagal din nagsilbi sa Peru.



Nakapaghayag din siya ng mga pagpuna sa social media hinggil sa Trump na gobyerno.

Nakabisita na siya noon sa Cebu para pasinayan ang isang simbahan.

Biglang nagbalik tuloy sa alaala ni Tata Berong ang basketbolistang si Adriano Papa Jr.

Si Jun Papa ay isang long tom artist na produkto ng National Unversiry katulad ni Narciso Bernardo na isa ring sharpshooter.

Si Jun na kulang pa ng ilang inches para maging six-footer ay naglaro para sa Crispa Redmanizers sa MICAA at sa Mariwasa Hondas sa PBA.



Wala pa ang 3 point shot ay malayo na ang range ng shooting niya.

Ilang ulit rin naging miyembro si Papa ng pambansang koponan.

May kapatid siyang champion swimmer na si Susan ng FEU. May anak din na nagdribol para sa DLSU.

***

Nabanggot din ni Gil Cortez sa ating panayam sa kanya ang involvement niya sa Pampanga Dragons.

Una rae inalok siya ng team owner na si Tony Gonzales ng Mondragon na maging coach at manager ng team pero tinanggihan niya ang alok.

“ Sinabi ko kay Mr Gonzales na hindi ko kaya ang dual role at yung pagiging manager na lang ang gagawin,” wika ni Cortez.

Mabuti raw pumayag ang may-ari.

Hayun kampeon sila sa unang season pa lang.

Kaso ng lumaon ay marami na nakialam.