Advertisers

Advertisers

COMELEC SHOW CAUSE ORDER LABAN KINA MICHAEL “MIKE” MALALUAN AT JAYSON BARCELONA

0 1,238

Advertisers

NAGLABAS ang Commission on Elections (COMELEC) ng Show Cause Order laban kina Michael “Mike” Malaluan, kandidatong alkalde at Jayson Barcelona, kasalukuyang bise alcalde ng Bayan ng Bongabong.

Ang nasabing order ay nag-uutos sa dalawang kandidato na magpaliwanag kung bakit hindi sila dapat kasuhan sa ilalim ng Omnibus Election Code, kaugnay sa umano’y paggamit ng programang “Malasakit sa Mamamayan Serbisyo Para sa Bayan”, isang programa ng LGU na ginagamit ang pondo ng Bayan ng Bongabong upang isulong ang kanilang kandidatura.

Ilang mga isyu na tinukoy sa Show Cause Order:



1. Pagdikit ng kanilang pangalan sa programang AICS (Assistance to Individuals in Crisis Situation) na ipinamamahagi ng DSWD at ng isang senador.

A. Nilinaw ng COMELEC na ang AICS ay hindi dapat i-credit o angkinin sa sinumang lokal na kandidato. Isa itong programa ng national government, at hindi pag-aari ng kahit sinong pulitiko. Ang pagsasangkot ng pangalan ni Malaluan ay malinaw na maaaring ituring na pag-aangkin ng proyektong hindi kanila at paglabag sa patakaran sa patas na pangangampanya.

B. Pamimigay ng wheelchair at iba pang tulong habang nasa gitna ng kampanya, na ginagamit ang “Malasakit sa Mamamayan Program” ng LGU. Ang programang ito ay pinondohan gamit ang pampublikong pondo at hindi dapat gamitin upang makapagpalakas ng kandidatura o makuha ang simpatya ng botante.

C. Paglalagay ng kanilang pangalan sa tulong para sa mga pumanaw, gamit pa rin ang nasabing programa. Isa ring posibleng paglabag sa election laws, lalo na’t ito ay ginagawa sa gitna ng kampanya at may halatang layunin na iugnay ang serbisyo publiko sa pamamagitan ng paglalagay ng kanilang mga pangalan sa mga tarpaulin at bulaklak ng patay.

PANINDIGAN NG COMELEC



Ang paggamit ng programa at pondo ng bayan upang isulong ang personal na interest sa halalan ay mahigpit na ipinagbabawal, ito’y maliwanag na pang-aabuso sa kapangyarihan kapag hindi ito sinunod. Ang mga programang tulad ng AICS at LGU-funded assistance ay dapat manatiling walang kulay, walang pangalan, at walang pulitika.

Binigyan ang dalawang kandidato ng tatlong araw upang ipaliwanag at magsumite ng sagot sa Show Cause Order. Kapag nabigo silang magbigay ng sapat na paliwanag, maaari itong humantong sa pormal na kaso at posibleng diskwalipikasyon.

PAALALA SA PUBLIKO

Ang tulong mula sa gobyerno ay karapatan ng mamamayan, hindi regalo ng pulitiko.

Ang pagkakawanggawa ay dapat mula sa puso, hindi para sa boto. ###